Doña Remedios Trinidad, Bulacan – Nagkaisa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Pamahalaang Barangay ng Banaban, Angat Traveler’s Club (NGO), 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) San Rafael, Angat Municipal Police Station (MPS) at 48th Infantry (Guardians) Battalion sa ginanap na Tree Planting Activity sa Barangay Banaban, Angat, Bulacan ika- 20 ng Agosto, 2020.
Layunin ng naturang programa na isulong ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanin ng mga fruit bearing trees sa nabanggit na barangay.
Humigit kumulang 200 Pomelo trees ang sabay-sabay na itinanim ng mga nabanggit na ahensiya sa pangunguna ng kinatawan ng DENR na si Isagani Nabalta, Louie Capiendo ng Angat Traveler’s CLub, Police Corporal Marvin De Leon ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Police Executive Master Sergeant Joel M Cruz ng Angat Municipal Police Station (MPS), Alejandro Tigas ng Sangguniang Kabataan at 1LT Romel Jordan Alpha Company Commander, 48IB.
Ang pagsasagawa ng mga Tree Planting Activities ay napapasailalim sa Resource Management na sangay ng IRM o Infrastructure and Resource Management na isa sa mga lines of effort ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Brigadier General Andrew D. Costelo, 703rd Brigade Commander, “Responsibilidad natin na pangalagaan ang ating mga likas na yaman na siyang mahalaga upang magkaroon ng balanse sa kalikasan. Katuwang ninyo ang Hukbong Katihan sa pagsulong sa adhikaing ito.”
Dagdag ni Lieutenant Colonel Felix Emeterio M. Valdez, Commanding Officer, 48IB,“Kahit sa gitna ng pandemiya, sikapin natin na magkaisang tulungan na mapanatili ang ating mga likas na yaman na siyang pinagkukunan natin ng ating pang araw-araw na pangangailangan. Ang inyong Guardians Battalion ay laging handa upang tumulong sa pagpapaunlad at pangangalaga ng ating kalikasan.”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/denr-lgu-ngo-pnp-at-army-nagkaisa-sa-tree-planting-activity-sa-bulacan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.