Friday, July 3, 2020

Kalinaw News: First wave ng pag-aani para sa Alying Farmers Livelihood Association

Posted to Kalinaw News (Jul 3, 2020): First wave ng pag-aani para sa Alying Farmers Livelihood Association (By Kalinaw News)



Malapatan, Sarangani Province – Ang Alying Farmers Livelihood Association kasama ang mga tropa ng Alpha Company, 73IB, sa pamumuno ni Cpl Leo Padilla ay isinagawa ang unang pag-aani ng mga gulay, kaninang umaga ng Hulyo 3, 2020 sa So Alying, Brgy Sapu Masla, Malapatan, Sarangani Province.

Makalipas ang ilang buwan ng paghihintay, ngayon ay nagbunga na ang kanilang pagod at pasensya. Nag-ani sila ng 12kl na talong, 13kl na radish, 7kl na okra, 9kl na sitaw at 10kl na petchay. Total ng 51kl na mga gulay. Kanila itong ibebenta at magsisilbing puhunan para mapalago ang kanilang asosasyon.

Sa pahayag ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, “Ang maliliit na buto na kanilang itinanim, ay nagresulta sa isang magandang ani. Sila ay dating infiltrated na lugar. Ngayon, sila ay nag-aambag na sa pagkakaisa at kapayapaan ng komunidad.”

“Gayundin, nais kong ipahayag ang aking pasasalamat sa mga tropa ng Alpha Company para sa mahusay na trabaho na kanilang ginawa para sa mga komunidad ng Alying,” dagdag niya.

Samantala, ang ang second wave ng pag-aani ay isasagawa ng asosyasyon sa susunod na linggo.








[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/first-wave-ng-pag-aani-para-sa-alying-farmers-livelihood-association/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.