FLORIDABLANCA, Pampanga, Hunyo 24 (PIA) -- Binisita ng mga ahensya ng gobyerno ang Sitio Tirya sa Barangay Mawacat upang i-assess kung paano mapauunlad ang komunidad.
Bahagi ang inisyatibong ito ng Poverty Reduction, Livelihood, and Employment Cluster o PRLEC ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict o RTF-ELCAC upang paunlarin ang iba’t ibang mga katutubong komunidad.
Ayon kay TESDA Pampanga Provincial Director Eric Ueda, nakaangkla ang kabuuang pakay ng cluster sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino at pagtapos sa mga insureksyon at komunismo.
Bahagi ng mga interbensyon ng gobyerno na ibibigay sa komunidad ay isang farm-to-market road upang mapabilis ang pagluluwas ng mga katutubo sa kanilang mga produkto sa merkado.
Ayon kay Philippine Army 48th Infantry Battalion Commanding Officer Lieutenant Colonel Felix Emerito Valdez, tugon ang nasabing proyekto sa kahilingan ng kapitan ng Mawacat, na tugma sa mga programa ng PRLEC.
Aniya, bukod dito, magbibigay din sila ng irigasyon at sistema ng komunikasyon sa komunidad upang lalo itong palakasin.
Inalam ng mga kasundaluhan ang mga pangangailangan ng mga katutubo sa Sitio Tirya sa Barangay Mawacat sa Floridablanca upang matugunan ito at mapabuti ang kanilang pamumuhay. (Marie Joy S. Carbungco/PIA 3)
Sinabi naman ni Arween Lacanilao ng Department of Agriculture na magsasagawa sila ng karagdagang pagtatasa upang makita kung ano ang kulang upang matulungan nila ang komunidad sa pagsasaka at paghahayupan, at maisama ito sa mga proyekto nila sa hinaharap.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pasasalamat si Barangay Captain Marilou Bacani sa pamahalaan para sa farm-to-market road na magpapabilis sa transportasyon at pagbebenta ng kanilang ani.
Nangako rin siyang susuportahan ang pamahalaan sa laban nito kontra terorismo at komunismo, at nanawagan sa mga kabataang katutubo na mag-aral dahil ito ang susi sa kaunlaran.
Samantala, sinabi ni Philippine Information Agency Regional Director William Beltran na patunay ang mga ganitong inisyatibo sa pangako ng gobyernong tulungan ang mga pinakabulnerableng sektor ng lipunan.
Aniya, layunin ng RTF-ELCAC na tugunan hindi lang ang insureksyon at terorismo, kundi tugunan ang tunay na pangangailangan ng ating mga kababayan. Kailangan lang aniyang magkaisa ang lahat tungo sa pagkamit ng kapayapaan, katiwasayan at kaunlaran.
Nasa mahigit 80 katutubong pamilya ang makikinabang sa nasabing programa. (CLJD/MJSC-PIA 3)
https://pia.gov.ph/news/articles/1045725

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.