Camp General Manuel T Yan Sr., Mawab, Davao de Oro – Naglunsad ng Martsa para Kapayapaan ang mga nasa mahigit 150 miyembro ng Underground mass organization (UGMO) sa Bayan ng Laak, Davao de Oro nitong Hunyo 28, 2020.
Habang nagmamartsa, taas-boses nilang isinisigaw, “IBAGSAK ANG KOMUNISTA, MABUHAY ANG DEMOKRASYA!” Dala rin nila ang mga plakard na naglalaman ng iba’t ibang saloobin laban sa mga NPA, “CPP-NPA-NDF MAKAGUBA OG PAMILYA,” “CPP-NPA-NDF WAG TULARAN, DEMOKRASYA SUPORTAHAN” at marami pang iba.
Sa pamamagitan ng Community support program, natulungan ng 60IB ang nasa 156 miyembro ng underground mass organization upang makalabas mula sa impluwensya ng teroristang NPA. Kinondena ng mga miyembro ng UGMO mula sa Barangay Kapatagan at Special Brgy Dalimdim ng Laak, ang mga paglabag ng CPP-NPA-NDF sa karapatang pantao, pagpatay sa kanilang mga kaanak, pangre-recruit ng minor de edad na mga kabataan, pananambang, panununog at marami pang iba. Ito ay pinagtibay sa pamamagitan ng isang resolusyong nagdideklara sa CPP-NPA-NDF bilang persona non grata.
Ang mga nagmartsang miyembro ng UGMO ay nauna ng isinailalim sa tatlong araw na live-in seminar. Bahagi ng seminar ang ALL GOVERNMENT PROGRAMS & SERVICES ORIENTATION sa unang araw, DERADICALIZATION PROGRAM sa ikalawang araw at panghuli ay CSP CULMINATION PROGRAM na kung saan ay bahagi nito ang Martsa para Kapayapaan (Martsa Alang sa Kalinaw).
Emosyunal ang naging pahayag ni Maria Tapilot patungkol sa kanyang karanasan sa NPA, “pinatay nila ang asawa ko kahit pa nagserbisyo sa kanila, ginagawang utusan, lahat sinunod pero pinatay pa rin nila. Kaya nananawagan ako sa lahat na buhay pa mga kabiyak nila, huwag magpalinlang sa mga teroristang NPA!”
Sa kanyang talumpati ni, inihayag naman ni Antonio L. Libuangan, Mayor ng Laak, “ramdam natin ang pighati dahil sa krimeng kagagawan ng NPA at naging biktimba ang ating kababayan. Ngunit sa ngayon, dahil dumami ang mga nagsisukong miyembro ng teroristang NPA at UGMO, ang iba ay napatay sa engkwentro, ang ating bayan ay pangatlo sa buong probinsya bilang pinakatahimik at payapa. Ako’y natutuwa sa inyong pagsuko at pagbabagong buhay sa tulong ng 60IB. Asahan ninyo, ang lahat ng ahensya ng pamahalaan ay tutulong sa inyo upang maihatid ang hustisya at sapat na tulong pangkabuhayan. Dalangin ko na walang magugutom sa ating bayan at lahat may marangal na trabaho.”
Sinang-ayunan naman ito sa talumpati na binigay ni Hon. Ruwel Peter S Gonzaga, Kongresista sa ikalawang distrito na dumalo sa nasabing peace rally. “Sa abot ng aking makakaya at sa programa ng aking opisina na maaaring maihatid sa inyo, gagawin ko. Lahat ng nandito, tutulungan ko kayong mabigyan ng trabaho na naaayon at alinsunod sa mandatong nakaatang sa aking opisina.”
Pagsuporta din ang hatid na mensahe ng gobernador ng Davao de Oro Jayvee Tyroon Uy sa pamamagitan ni Board member Alfonso Tabas Jr, “seryoso ang Davao de Oro na itaguyod ang kapayapaan sa tulong ng kasundaluhan at mamamayan. Dahil sa mga proyektong nagawa ng gobyerno sa kasalukuyang administrasyon, ang natitirang hamon na lamang ay paghahatid ng impormasyon sa mamamayan tungkol mga programang pangkabuhayan at development.”
Samantala, madamdamin ang naging mensahe ng Commander 10ID, Major General Reuben Basiao para sa mga dating miyembro ng NPA at UGMO, “kayo ang dahilan kung bakit ang mga kasundaluhan ay nagtatrabaho at nagsasakripisyo kasama ang lahat ng ahensya ng gobyerno. Ako ay natutuwa sa desisyon ninyong magbalik loob sa gobyerno upang ipagpatuloy ninyo na suportaan ang lugar nyo, ang Barangay Kapatagan at Special Barangay Dalimdim. Ang pagpapanatili ng kapayapaan at pagsulong ng kaunlaran dito sa inyong lugar hindi kaya ng mga kasundaluhan lamang. Kayo ang sentro at pinakaimportante na bahagi ng programa ng gobyerno kaya nandito ang ating mga opisyales ng pamahalaan, mga ahensya mula lokal hanggang nasyunal. Pasalamatan natin ang local chief executive at ang ating Kongreso sa pagbibigay ng Appropriation, ang laki na ng iniunlad ng Laak.”
Binigyang-diin ni MGen Basiao na kung wala ang pagsuporta ng mga mamamayan sa ginagawa ng gobyerno kasama ang kasundaluhan, walang pag unlad sa lugar. “Ang pagtayo ninyo, ang pagbalik-loob at ang katapangan nyo na ikondena at itakwil ang CPP-NPA-NDF, yan ang gusto nating ipakita, ipabatid sa mamamayan dahil kahit gaano kasipag ng mga nasa gobyerno at ng kasundaluhan, kung walang ang pagsuporta ninyo, walang mangyayari sa ating bayan.”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/martsa-para-sa-kapayapaan-inilunsad-sa-laak/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.