Sunday, March 29, 2020

CPP/NPA-Bicol: Pakamahalin ang masa, ipagtagumpay ang digmang bayan! — NPA-Bicol

NPA-Bicol propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 29, 2020): Pakamahalin ang masa, ipagtagumpay ang digmang bayan! — NPA-Bicol

RAYMUNDO BUENFUERZA
NPA-BICOL REGION
ROMULO JALLORES COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY

MARCH 29, 2020



AUDIO LINK: https://audiomack.com/song/gintong-silahis/20200329-pakamahalin-ang-masa-ipagtagumpay-ang-digmang-bayan

Mahigpit na pag-unawa at pagtanggap sa sakripisyo ang paglahok sa buhay-at-kamatayang pakikibaka. Sa layuning makapagtaguyod ng isang lipunang walang inaapi at pinagsasamantalahan, sinusuong ng mga Pulang kumander at mandirigma ang anumang sakripisyo’t kahirapan. Ito ang lalim ng pagmamahal na araw-araw iniaalay ng Bagong Hukbong Bayan sa mamamayang Pilipino at sa pandaigdigang kilusang pagpapalaya.

Ngayong ika-51 anibersaryo ng BHB, higit na pinasasalamatan at pinagpupugayan ng Romulo Jallores Command (RJC-BHB Bikol) ang mamamayang mapagpasyang lumalaban para sa kanilang mga karapatan at lehitimong kahingian. Silang pumapasan ng pinakamatitinding anyo ng pang-aapi at pagsasamantala ang inspirasyon ng mga Pulang kumander at mandirigman upang ipagtagumpay ang digmang bayan.

Sa loob ng 51 taon, praktika ang nagpatunay na tanging sa paglulunsad ng makatwiran at makatarungang digma matatamasa ng masang anakpawis ang tunay at makabuluhang panlipunang pagbabago. Sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), magkatuwang na hinarap ng BHB at National Democratic Front ang lahat ng krisis sa lipunan. Sa pamamagitan ng masikhay at mapanlikhang pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos, antas-antas na naipatupad ang rebolusyong agraryo sa kanayunan. Ito at ang mapagpasyang pagkilos ng mamamayan ang paulit-ulit na bumigo sa anumang tangka ng rehimen na durugin ang diwang mapanlaban ng bayan.

Patuloy na lumalawak at lumalalim ang sinasaklaw ng demokratikong gubyernong bayan. Dito, buubuong naisasapraktika ng mamamayan ang kanilang mga demokratikong karapatan at pamumuno sa kanilang hanay.

Sa pagsidhi ng krisis panlipunan, hamon sa Pulang hukbo na higit pang maging mapangahas sa pag-oorganisa at pagmomobilisa ng masang anakpawis. Higit lamang na tumatatag ang pagtangan sa armadong pakikibaka bilang pangunahing armas sa pagpapabagsak sa mapanupil na estado. Bigo ang lahat ng operasyong militar at kampanyang kontrainsurhensyang sunud-sunod na ilinunsad ng mga taksil na rehimen para hatiin ang nagkakaisang lakas ng mamamayan.

Tangan ang tanglaw ng Partido at pagpapakahusay sa paggampan sa kanyang gawain, patuloy na magpupunyagi ang RJC-BHB Bikol na matapat na pagsilbihan ang masa’t isulong ang digmang bayan hanggang sosyalismo. Walang pag-iimbot na iaalay ng BHB ang kanilang buong panahon sa pagpupundar ng Pulang kapangyarihan sa kanayunan, pagtatanggol sa masa at pagpapalaganap ng programa ng demokratikong rebolusyong bayan.

#NPALoves
#TalingkasSaPagkaoripon

https://cpp.ph/statement/pakamahalin-ang-masa-ipagtagumpay-ang-digmang-bayan-npa-bicol/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.