Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 7, 2020): Tropa ng 94th IB, inambus ng BHB
Inambus ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan-Negros (Leonardo Panaligan Command) ang mga elemento ng 94th IB sa Sityo Compound, Barangay Luz, Guihulngan City noong umaga ng Marso 3. Kumbinasyon ng pasabog at bala ng riple ang ginamit ng mga Pulang mandirigma sa opensiba. Dalawa ang patay at apat na sundalo ang sugatan sa naturang pananambang, kabilang ang kumander ng yunit na si 2Lt. Niel Christian Cureg.
Occidental Mindoro. Inambus ng BHB-Mindoro (Lucio de Guzman Command) ang mga nag-ooperasyong tropa ng 4th IB at PNP sa Sityo Ibanig, Barangay Monteclaro, San Jose noong hapon ng Pebrero 19. Apat ang naiulat na sugatan sa mga sundalo.
Isang sundalo naman ang malubhang nasugatan sa isang operasyong isnayp ng BHB-Mindoro sa Sitio Balingaso, Barangay Monteclaro, San Jose noong hapon ng Pebrero 20.
Ayon kay Ka Madaay Gasic, tagapagsalita ng BHB-Mindoro, ang mga aksyong ito ay tugon sa hinaing ng mga biktima ng mga paglabag at krimen ng pasistang 203rd Brigade sa mga Mindoreño. Kabilang dito ang pagpaslang sa dalawang sibilyan na sina Jay-ar Mercado at Mark Ederson Valencia de los Santos noong Enero.
Northern Samar. Pito ang kumpirmadong patay sa nag-ooperasyong mga sundalo ng 20th IB sa ngalan ng Retooled Community Support Program (RCSP) matapos ang sunud-sunod na aksyong militar ng BHB-Northern Samar (Rodante Urtal Command) noong Pebrero 17-25.
Hinaras ng BHB ang tropa ng 20th IB na nakahimpil sa Plaza ng Barangay Rizal, Gamay noong gabi ng Pebrero 17. Dalawang sundalo ang napatay matapos ang tatlong-minutong palitan ng putok. Kinabukasan, napatay din ang isa pang sundalo sa operasyong isnayp ng BHB.
Tatlong sundalo naman ang napatay sa aksyong militar ng BHB noong Pebrero 24 sa parehong barangay. Noong Pebrero 25, isang sundalo ang napatay sa inilunsad na operasyong isnayp ng BHB sa Barangay San Jose, Mapanas.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/03/07/tropa-ng-94th-ib-inambus-ng-bhb/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.