SAMUEL GUERRERO
NPA-SORSOGON
CELSO MINGUEZ COMMAND
FEBRUARY 18, 2020
ISANG tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng PNP na nakabase sa Brgy. Aquino, Bulan, Sorsogon ang kumpirmadong nasugatan sa harassment operation na isinagawa ng NPA kagabi, Pebrero 16. Ang nasugatan ay kinilalang si Patrolman Eric Cabilao.
Ang aksyon ay isa sa magkakasabay na operasyong inilunsad ng Pulang Hukbo sa iba’t ibang bahagi ng probinsya para parusahan ang mga yunit ng militar at pulisya na walang awang nanggigipit at nananakot sa mga sibilyan.
Masugid ang mga tropa ng reaksyunaryong gobyerno sa panghaharas at pagpwersa sa mga sibilyan na pumirma sa mga papeles para palabasing sumurender na mga tauhan ng NPA. Sa bayan ng Barcelona nitong nagdaang linggo, mahigit 70 residente ng ilang barangay na nilulunsaran ng tinaguriang Community Service Program Operations (CSPO) ng Philippine Army ang sapilitang “pinasuko”. Sa Matnog at Bulan, abala sa pagbabahay-bahay ang mga pasista para takutin at pagbantaan ang mga hinihinala nilang tagasuporta ng rebolusyonaryong kilusan o kamag-anak ng mga mandirigma ng NPA. Ginigipit din nila ang mga aktibista at lider masa na lumalahok sa kilusang masa sa kalunsuran.
Hinahamon namin ang AFP at PNP na ang Pulang Hukbo ang harapin nila sa labanan. Lubayan ninyo ang mga sibilyang walang kalaban-laban.
https://cpp.ph/statement/mga-aksyong-pamamarusa-sa-afp-pnp/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.