PKM-ILOCOS
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT PHILIPPINES
JANUARY 20, 2020
Bingi sa sigaw na katarungan para sa mga biktima ng Mendiola Massacre
Malagim ang araw ng Enero 22 para sa masang magsasaka. Tatlumpu’t tatlong taon na ang nakalipas nang pagbabarilin ng militar ang higit-kumulang 20,000 nagmamartsang mamamayan na nananawagan para sa repormang agraryo. Nakitlan ng buhay ang 13 magbubukid habang higit na marami ang nasugatan.
Kahit pa batayang karapatan sa kabuhayan ang kanilang sigaw, bala ang isinagot ng unang administrasyong Aquino. Hanggang ngayon, kasing-ilap ng katarungan para sa mga biktima ang pagkakamit ng tunay na reporma sa lupa na patuloy na pinagbubuwisan ng buhay ng uring magsasaka. Kahit 70% ng populasyon ay mga magbubukid, ito ang uring palaging isinasantabi ng mga reaksyunaryong rehimen. Sa kabila nito, araw-araw na binabata ng pamilyang nagsasaka ang higit na pagkabusabos dahil sa mga neoliberal na atake, gayundin ang pasistang karahasan ng rehimen.
Tunay na Kalagayan
Bulag-bulagan si Duterte sa paghihimagsik ng masa laban sa Rice Tariffication Law of 2019 (RTL) na todo-todong nagbukas sa pamilihan sa walang restriksyong pag-angkat ng bigas. Tulad ng inaasahan, bumagsak ang presyo ng lokal na palay. Ang ilang bayan ng Ilocos Norte ay kabilang sa may pinakamababang presyo ng palay na Php7/kilo. Bago ang RTL, nasa Php22 ang pambansang average nito habang ang pambansang average na gastos sa produksyon ng palay ay Php12/kilo.
Hindi pa rin bumababa ang presyo ng bigas sa pamilihan tulad ng ipinangakong Php27/kilo ng mga ekonomista ni Duterte. Sa katunayan, sa Vigan, Php36 hanggang Php46 ang presyo ng kilo ng bigas. Maaari pang tumaas ito dahil wala namang kontrol ang gobyerno ng Pilipinas sa pandaigdigang presyo ng bigas.
Si Duterte din ang nagpatakbo ng TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act. Higit na tumaas ang presyo ng bilihin dahil ipinapasa ng mga kumpanya sa mamimili ang dagdag na buwis sa produktong petrolyo, kuryente at iba pa. Ibig sabihin, higit na lumaki ang gastos sa produksyon ng mga magsasaka.
Karahasan Laban sa Magbubukid
Tulad ng mga rehimeng nauna sa kanya, naliligo sa dugo ng mga magsasaka si Duterte. Sa loob ng tatlong taong panunungkulan (Hunyo 2013 hanggang Hunyo 2016), 216 sa naitalang 266 na biktima ng pampulitikang pamamaslang ay mga magsasaka. Maipagmamalaki din ng kanyang rehimen ang Sagay Masaker sa Negros Occidental noong nakaraang Oktubre 20 na kumitil sa buhay ng siyam na magsasaka, kabilang ang apat na babae at dalawang menor de edad. Tulad ng mga magsasaka noong dekada 80, iginigiit nila ang libreng pamamahagi ng lupa.
Napupuno ang kasaysayan ng mga halimbawa ng karahasan laban sa uring magsasaka sa tuwing umiigting ang pakikipaghamok para sa lupa. Nagsimula ang pakikibaka ng mga magsasaka noon pang panahon ng pananakop ng Espanya. Sa nakalipas na kalahating siglo, bukod sa Mendiola at Sagay, mayroong karahasan sa Guinayangan (1981, Quezon), Escalante (1985, Negros Occidental), Lupao (1987, Nueva Ecija), Hacienda Luisita (2004, Tarlac), Kidapawan (2016, North Cotabato) at marami pang iba. Halos lahat ng administrasyon, kabilang ang diktadurang Marcos, ay may tampok na halimbawa ng karimarimarim na pasismo laban sa magsasaka.
Sa ngayon, mahigit dalawang taon nang militarisado ang ikalawang distrito ng Ilocos Sur at papatindi pa ang Red-tagging sa mga grupo at indibidwal na nakikipaglaban para sa kapakanan ng masa. Batid ng rebolusyonaryong hanay ng magsasaka na paglalatag ito para sa higit pang pasismo ng gobyerno ni Duterte.
Ngunit hindi ito umaatras sa hamong patuloy na ipaglaban ang lupa at kabuhayan. Sa halip, nagpapalakas ito sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pampulitikang pakikibaka. Naninindigan ito sa papel ng uring magsasaka bilang isang hukbong mapagpalaya, lalo sa kalagayang mahigpit ang pangangailangan para sa armadong paglaban. Tanging demokratikong rebolusyon ng mamamayan ang magkakamit ng katarungan para sa mga magsasaka at iba pang aping uri.
Dapat malaman ni Duterte na taumbayan ang lumilikha ng kasaysayan at katatawanan lamang ang mga walang batayan niyang pagbubuhat ng bangko. Ang mamamayan, kabilang ang uring magsasaka, ang nakakabatid at maglalantad ng kanyang mga kasinungalingan, karahasan at pagkaganid. Ang mamamayan ang kumikilos para sunggaban ang paghina ng kanyang pamumuno at ibaon siya sa kangkungan ng kasaysayan.
Katarungan para sa mga biktima ng pasismo ng estado!
Singilin ang kontra-magsasakang rehimeng US-Duterte!
Isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan!
Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
https://cpp.ph/statement/rehimeng-duterte-bulag-sa-kalagayan-ng-mga-magsasaka/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.