SPOKESPERSON
NPA-SOUTHERN TAGALOG
NEW PEOPLE'S ARMY
JANUARY 20, 2020
Para sa cease talks (tigil-usapan) ang AFP-PNP at hindi sa peace talks ang itinutulak nito. Malinaw ito sa samu’t saring pakana ng berdugong tropa upang idiskaril ang peace talks na paulit-ulit nitong ginagawa mula pa nang magbukas ang negosasyon sa pagitan ng NDFP at GRP noong 2016 hanggang sa kasalukuyan.
Isang patunay ang tuluy-tuloy na mga operasyong militar ng AFP-PNP sa mga eryang saklaw ng larangang gerilya ng NPA kahit may deklarasyong tigil-putukan ang NDFP at GRP. Nitong nagdaang Reciprocal Unilateral Ceasefire (RUCF) pa lamang, hayagang pumapasok ang mersenaryong tropa sa mga larangang gerilya. Sinisikap ng mga yunit ng NPA na umiwas sa mga labanan sa abot ng makakaya, subalit sa mga pagkakataong nanganganib ang buhay ng yunit at masa, nakahandang ilunsad ng NPA ang mga kontra-opensiba laban sa mga nag-ooperasyong AFP-PNP.
Tigas-mukhang ipinangangalandakan ng AFP-PNP na “hindi sinsero” at “ayaw sa kapayapaan ng CPP-NPA” gayong sila ang paulit-ulit na umaatake sa mga larangang gerilya kahit sa panahon ng tigil-putukan. Sa tuwing idinedeklara ng NDFP at GRP ang ceasefire para sa muling pagbubukas ng peace talks, lantarang nang-uupat ng laban ang mga operasyong militar at pulis sa mga larangang gerilyang saklaw ng CPP-NPA-NDFP. Walang karapatan ang AFP-PNP na ibunton sa NPA ang sisi sa tuwing may mga nagaganap na labanan sa panahon ng ceasefire dahil sa loob mismo ng mga larangang gerilya nagaganap ang mga labanan. Ang panghihimasok ng AFP-PNP sa teritoryo ng rebolusyonaryong kilusan ay patunay na mulat na nilalabag ng AFP-PNP ang kasunduan sa tigil-putukan.
Patuloy ding sinisiraan ng AFP-PNP ang NPA sa midya. Sa Timog Katagalugan, ipinagkakalat ng Southern Luzon Command (SOLCOM) na ginagamit ng CPP-NPA-NDFP umano ang nagdaang ceasefire upang makapangikil sa mga government projects, private contractors at business establishments at para makapagpalakas. Bahagi rin ito ng iskema ng AFP-PNP upang pagtakpan ang kanilang mga paglabag sa ceasefire at maikatwiran ang pagpapatigil ng peace talks sa NDFP.
Ang mga akusasyon at atake ng AFP-PNP sa panahon ng tigil-putukan ay pakana upang idiskaril hanggang sa tuluyang matigil na ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP. Ni hindi maagap na nagdeklara ng Suspension of Military Operations (SOMO) ang pasista at utak-pulburang tropa sa nagdaang RUCF at noon lamang Disyembre 26 natanggap ng NDFP ang opisyal na kopya ng SOMO ng AFP at SOPO ng PNP. Sadyang hindi nila nanaising makamit ang makatarungang kapayapaan sa bansa upang makapaghari pa sa ganitong bulok na sistema. Kung gayon, mas malinaw sa mamamayan na ang tunay na peace saboteurs ay ang AFP-PNP.
Ang pakanang idiskaril ang peace talks ay sang-ayon sa kumpas ng imperyalismong US sa pamamagitan ng mga ahente nito sa Cabinet Cluster E na sina Lorenzana, Esperon at Año. Wala sa interes ng mga peace saboteurs na ito ang pagharap sa peace talks liban kung kagyat na nilalaman ng usapan ang pagsasalong ng armas ng NPA.
Sa kabilang banda, dalisay ang hangarin ng rebolusyonaryong kilusan sa pagharap sa peace talks dahil pagkakataon ito upang patuloy na maigiit ng NDFP ang inihapag nitong Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER). Nilalaman ng CASER ang kalutasan ng mga demokratiko at pambansang kahilingan ng mamamayan tulad ng lupa para sa mga magsasaka, pambansang industriyalisasyon, pagtigil ng kontraktwalisasyon at pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, hanapbuhay para sa mamamayan, libre at de-kalidad na edukasyon para sa kabataan, at iba pa. Malinaw sa mga yunit ng NPA na hangga’t hindi nakukuha ang mga naturang saligang kahilingan ng mamamayan, hindi nila isusuko ang kanilang armas at patuloy silang lalaban para makamit ito.
Samantala, may peace talks man o wala, magpapatuloy ang tungkulin ng NPA na ibagsak ang kasalukuyang malakolonyal at malapyudal na sistema sa Pilipinas at pagsilbihan ang mga inaapi at pinagsasamantalahang mamamayan. Sa ganap na tagumpay ng bagong demokratikong rebolusyong bayan, maitatatag ang demokrasyang bayan sa buong kapuluan at makakamit ang malaon nang hinahangad na pambansang paglaya, kasaganaan at demokrasya. ###
https://cpp.ph/statement/afp-pnp-para-sa-cease-talks-hindi-peace-talks/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.