DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte, Dec. 11 (PIA) - - - Sa ikatlo at panghuling paghaharap ng mga miyembro ng New Peoples’ Army at ng peace panel mula sa gobyerno na ginanap dito sa lungsod, 53 dating mga rebelde sa Rehiyon ng Zamboanga Peninsula (ZamPen) ang opisyal ng sumuko at nagbabalik loob sa pamahalaan.
Ito ay parte sa ginagawang localized peace engagement ng gobyerno para sa mga miyembro ng NPA na nagnanais tumiwalag sa armadong pakikibaka at mamuhay ng normal bilang pagpapatupad sa Executive Order No. 70 ng Pangulong Rodrigo Duterte.
"Dito pa lang sa lokal, kaya na nating makipag-usap sa mga rebeldeng gustong magbagong buhay. Patunay itong dami ng nagbabalik-loob ngayon sa pamahalaan na may kakayahan tayong resolbahin at wakasan ang armadong pakikibaka lalo na kung magtutulong-tulungan ang iba't-ibang ahensya ng mga gobyerno," ayon kay Regional Director Ariel Perlado ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA)-9.
Ang Regional Task Force sa Region 9 ang natatanging rehiyon sa buong bansa na nagkaroon ng epektibong localized peace engagement bilang isa sa mga inisyatibo ng gobyerno upang mahikayat ang mga aktibong miyembro ng NPAs na sumuko.
Sabay ding isinuko ng mga surrendeees ang armas ng mga ito at nagpahayag ng kanilang panata ng katapatan sa watawat ng Pilipinas na pinangasiwaan ni Zamboanga del Norte Governor Roberto Uy.
Nanawagan naman si Undersecretary for Inclusive and Sustainable Peace Rene Glen Paje ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba pang mga NPAs na nagnanais magbalik loob sa pamahalaan na ibaba na ang kanilang mga armas at tulungan ang gobyernong itaguyod ang kapayapaan para sa ikauunlad ng bansa.
Nagpakita naman ng suporta ang grupong National Alliance for Democracy (NAD) sa hakbang ng gobyerno sa pamamagitan ng isang peace rally na dinaluhan ng hindi bababa sa 200 miyembro nito. Nakisali rin dito ang mga miyembro ng Indigenous Peoples Federation at mga reservists ng Philippine Navy. (NBE/EDT/PIA9-Zamboanga del Norte)
https://pia.gov.ph/news/articles/1031523

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.