PATNUBAY DE GUIA
NDF-SOUTHERN TAGALOG
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
DECEMBER 29, 2019
Malugod na nakikiisa ang NDFP-ST sa ginanap na selebrasyon ng mga komite ng Partido at yunit ng hukbong bayan sa ika-51 Anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa mga teatro at larangang gerilya.
Sinimulan ang mga selebrasyon sa pag-awit ng Internasyunal at pagbigay-pugay sa bandila ng Communist Party of the Philippines ng mga kasapi ng Partido at New People’s Army kasama ang rebolusyonaryong mamamayan sa kanayunan at mga nakipagdiwang na mga rebolusyonaryo mula kalunsuran.
Hindi napigilan ang mga pagdiriwang sa ika-51 anibersaryo ng CPP ng mga operasyong kombat ng AFP tulad ng naiulat sa Palawan at Bondoc Peninsula na may layuning sabotahehin ang ginagawang preparasyon ng mga yunit ng hukbo at rebolusyonaryong mamamayan. Hindi rin nakapigilan ang baseng masa sa kanayunan na lumahok sa pagdiriwang ng Partido kahit sa mga lugar na matinding tinamaan at pininsala ng bagyong Ursula.
Patunay ito ng nagpapatuloy na tinatamasang malawak at malalim na suporta sa CPP-NPA-NDFP mula sa masa ng rehiyong Timog Katagalugan. Testamento ito na ang CPP at NPA ay malalim na nakaugat sa malawak na masang api’t pinagsasamantalahan. Hindi mapasusubalian ang suportang ito gaano man ang gawing pagbaluktot ng mga eksperto sa say-ops ng AFP. Walang bisa ang kahit na anong mga palabas ng pagdideklara sa CPP-NPA-NDFP na persona non grata ng reaksyunaryong gubyerno at gaano man karami ang iparada nilang mga pinekeng sukong NPA.
Libong mamamayan ang dumalo at nakiisa sa pagdiriwang ng ika-51 anibersaryo ng pagkatatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ginanap sa iba’t ibang sona at larangang gerilya sa rehiyon ng Timog Katagalugan. Daan-daang katao ang nagtipun-tipon mula sa magkakanugnog na mga barangay sa saklaw ng mga sona’t larangang gerilya sa rehiyon upang saksihan at makipagdiwang sa taunang selebrasyon ng pagkakatatag ng CPP.
Hindi alintana ang hirap at pagod mula sa malalayong paglalakad makarating lamang sa lugar na pagdarausan ng pagdiriwang. Hindi rin naging malaking hadlang sa iba ang pinsalang dinulot ng bagyong Ursula para hindi makadalo sa pinakaaabangan at kinasasabikan nilang taunang pagdiriwang ng pinakamamahal nilang Partido. Higit sanang mas malaki ang nakadalo sa mga naturang pagtitipon kung hindi tumama ang bagyong Ursula. Naroon man ang kanilang kagustuhan na lahat ng kapamilya ay makadalo sa selebrasyon, kailangan pa ring may mag-asikaso sa mga iniwang pinsala sa kanilang kabuhayan ng bagyong Ursula.
Marami din mula sa kalunsuran at mga sentrong bayan ng rehiyon ang nakiisa at dumalo sa pagdiriwang na idinaos sa kanayunan ng rehiyon. Habang ang ibang hindi nakasama sa pagpunta sa kanayunan ay nagtipon tipon din sa mga baseng komunidad sa urban at sentrong bayan upang sikretong idaos ang pagdiriwang ng ika-51 na anibersaryo ng Partido.
Di inalintana ang hirap at pagod na dinanas ng mga kasama mula sa kalunsuran ang malayong lakarin at maputik na daan patungo sa mga pagdarausan ng pagdiriwang. Taglay ang mataas na entusiyasmo, hangad nilang makilahok sa makasaysayang araw ng pagkakatatag ng Partido kapiling ang masa at hukbong bayan. Masaya at mainit silang sinalubong ng masa at ng mga opisyal at mandirigma ng New People’s Army sa lugar. Hinandugan sila ng mga awiting tanda ng mainit at mapagkasamang pagsalubong at pagtanggap sa kanilang pagdating.
Ang ilan sa dumalo at nakiisa sa pagdiriwang ay nagpaiwan at nagpasyang sumampa bilang mga bagong mandirigma ng New People’s Army. Kabilang sila sa maramihang nagsisisampahan bilang pagtugon sa panawagan ng Partido. Malaking tagumpay ang maramihang pagsapi sa Bagong Hukbong Bayan sa panahon ng pagdiriwang ng ika-51 Anibersaryo ng CPP.
Ang pagdagsa ng tao sa selebrasyon ng anibersaryo ng Partido ay pagpapakita kung gaano kamahal ng mamamayan ng rehiyon ang CPP. Para sa masa, napakahalaga na makadalo sa taunang pagdiriwang ng anibersaryo ng Partido. Sinikap nilang kahit isa man lamang sa kanilang pamilya ang makadalo upang sa pagbalik ay mayroong maibabahaging kwento sa naging kaganapan sa pinakahihintay nilang pagdiriwang ng anibersaryo.
Patunay lamang ito kung gaano kalawak at kalalim ang naging ugat ng Partido sa hanay ng masang anakpawis upang patuloy na dagsain ang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag nito. May kalamidad mang dumaan pilit pa ring dadalo para saksihan ang pagdiriwang ng dakilang araw ng kaarawan ng pinakamamahal nilang Partido.
Ang maramihang pagdalo ng mga mamamayan sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Partido sa iba’t ibang panig ng TK ay nagtatatwa at pinabubulaanan ang mga pahayag ng pasistang rehimeng US-Duterte na walang dapat ipagdiwang ang CPP dahil sa nawawalan na ito ng suporta mula sa taumbayan. Pero kung pumayag lamang sana ang tagapagsalita ni Duterte na si Secretary Salvador Panelo sa imbitasyon ng Melito Glor Command na pumunta sa isang larangang gerilya sa rehiyon, siguradong personal niyang malalaman at masasaksihan kung gaano kalalim at kalawak ang tinatamasang suporta ng rebolusyonaryong kilusan mula sa mamamayan ng TK.
Dangan lamang ang problema ni Secretary Panelo ay hindi marunong kumilatis ng katotohanan kundi mas bihasa siyang baluktutin at maglubid ng kasinungalingan. Pinuhunanan at naging hanapbuhay na niya sa administrasyong Duterte ang panlilinlang at paghahasik ng kasinungalingan sa taumbayan.
Tampok sa pagdiriwang ang pag-awit ng mga rebolusyonaryong awitin, ang marching drill ng NPA, ang iba’t ibang kulturang pagtatanghal mula sa masa, kasama, mga kaibigan at iba pang mga naging bisita. Ang pinakatampok sa aktibidad ay ang pagbasa ng pahayag ng Komiteng Rehiyon sa ika-51 anibersaryo ng CPP kung saan muling binigyan ng pinakamataas na pagkilala at parangal ang mga martir at bayani ng rebolusyon, binaybay ang mga naging kakulangan at tagumpay ng Partido sa rehiyong TK sa nakaraang taon at itinakda ang mga tungkulin para sa susunod na mga taon.
Lubos ang pag-asa ng Komite ng Partido sa TK na higit na magiging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang ng ika-52 na anibersaryo ng Partido sa taong 2020. Buo ang kapasyahan ng Partido, hukbong bayan at rebolusyonaryong mamamayan na biguin ang EO 70, whole-of-nation approach at JCP Kapanatagan. Mataas ang kumpyansa nitong dalhin sa isang bago at mas mataas na antas ang digmang bayan sa darating na mga taon. ###
https://cpp.ph/statement/ipagdiwang-ang-ika-51-anibersaryo-ng-partido-komunista-ng-pilipinas/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.