Sunday, December 29, 2019

CPP/NDF-Bicol: Katawa-tawang parada ng mga de-susing robot ng AFP at PNP

NDF-Bicol propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 29, 2019): Katawa-tawang parada ng mga de-susing robot ng AFP at PNP

MARIA ROJA BANUA
SPOKESPERSON
NDF-BICOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
DECEMBER 29, 2019

Sa isang kumpas ng rehimeng US-Duterte, nagmartsa ang mga de-susing robot ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa mga kalsada ng Naga City, Camarines Sur at Legazpi City, Albay upang kundenahin ang ika-51 Anibersaryo ng Partido Komunista .

Katawa-tawa ang rehimeng US-Duterte sa pag-aakalang matutumbasan ng pagmartsa ng ilampung sundalo’t pulis ang mga pagtitipong ilinunsad para ipagbunyi ang ika-51 anibersayo sa Bikol. Puong libong kasapi ng PKP-Bikol at kasapi ng rebolusyonaryong kilusan ang muling bumaybay ng kasaysayan ng pagbangon at pagpapalakas ng rebolusyonaryong hanay sa lahat ng dako ng rehiyon sa iba’t-ibang paraan. Baon ang bagong hamon para sa pag-igpaw sa mga susunod na taon, matapat na isusulong ng mga ito ang dakilang misyon ng proletaryong Bikolano na pagkaisahin ang lahat ng mamamayan na labanan ang lahat ng pang-aapi’t pagsasamantala.

Pinalalabnaw at sinasalaula ng mga tagapagpatupad ng EO 70 sa rehiyon ang karapatan ng mamamayan sa malayang pagpapahayag at pagtitipon. Sa halip na kahingian ng mamamayan ang bigyang lugar sa mga rally, ginagawang behikulo ito ang AFP at PNP para ipalaganap ang panunupil, kultura ng kawalang pananagutan at paglarawan sa rebolusyonaryong kilusan bilang teroristang organisasyon. Nagpapakita ito ng kawalan ng interes ng pamunuan ng sibilyang junta na seryosong likhain ang tamang klima para sa pag-usad ng usapang kapayapaan.

Batid ng rebolusyonaryong kilusan na hindi ligtas ang mga simpleng kawal ng sundalo at pulis sa panunupil at pandarahas ng kanilang mga nakatataas na upisyal. Hindi rin sila ligtas sa hambalos ng krisis na ipinapasa ng mga burukratang nasa pusisyon sa lahat ng mamamayang Pilipino. Hindi nakapagtatakang mismong mga kawal na ito ang nagpapaabot ng reklamo sa Romulo Jallores Command. Ayon sa kanila, sapilitang pinadalo ang militar at pulis sa nasabing pagtitipon kapalit ng mas maagang pamamahagi ng kanilang pinagpagurang sahod. Kinapital ng desperadong rehimen ang pagnanais ng mga kawal na bigyan ng kaunting pagsasaluhan ang kanilang mga pamilya ngayong kapanahunan ng pasko at bagong taon.

Ang lakas ng mamamayang nag-aaklas ay mananatiling matatag at higit pang dadaluyong sa bawat berdugong rehimeng ipinauuna ang kanilang pagpapasasa kaysa sa pagtugon sa kagalingan at kahingian ng mamamayan.

Lumaban at lumaya!

Talingkas sa pagkaoripon!

Isulong ang digmang bayan sa mas mataas na antas!

Mabuhay ang ika-51 Taong Anibersaryo ng PKP!

https://cpp.ph/statement/katawa-tawang-parada-ng-mga-de-susing-robot-ng-afp-at-pnp/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.