Tuesday, September 3, 2019

Tagalog News: NCIP Caraga, IP community, nanawagan sa publiko na huwag magpalinlang sa NPA

From the Philippine Information Agency (Sep 3, 2019): Tagalog News: NCIP Caraga, IP community, nanawagan sa publiko na huwag magpalinlang sa NPA

Featured Image


LUNGSOD NG BUTUAN -- Sa patuloy na kampanya ng gobyerno laban sa terorismo, nagkaisa ang mga kawani ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), kasama ang indigenous peoples (IP) community sa Caraga, na palalawakin sa publiko ang mga panlilinlang ng mga grupong tulad ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Bae Magdalina Gano, IP Truth Ambassador mula Surigao del Sur, nais nilang malaman ng publiko ang katotohanan sa kapahamakang dulot ng teroristang grupo sa mga komunidad lalo na sa mga kabataan.

Masakit mang balikan ang alaala ni Bae Magdalina sa kanyang pamilyang inabuso ng NPA, nanindigan siya na kailangan nilang ipaglaban ang kanilang karapatan at hindi magpapaloko o magpapalinlang.

Dagdag pa niya, hindi siya natatakot sa kung ano man ang kahihinatnan ng kanilang pakikipaglaban sa mga NPA dahil sinasabi lang nila ang buong katotohanan sa mga karumal-dumal na gawain nito.



Binigyang-diin din ni NCIP Caraga Regional Director Ferdausi Cerna na nakikiisa sila sa IP community at ipinaglalaban din ng ahensiya ang karapatang pantao at dignidad ng mga IPs, at proteksyon nito mula sa makakaliwang grupo.

Dagdag pa ng opisyal, aktibo rin sila sa pakikipagtulungan kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan sa implementasyon ng Executive Order No. 70 o ang whole of nation approach sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Mas paiigtingin din nila ang magandang relasyon ng IP community at ng gobyerno. (JPG/PIA-Caraga)

https://pia.gov.ph/news/articles/1026750

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.