Sunday, September 1, 2019

CPP/NPA-Isabela: Disarma ng NPA-Isabela sa Task Force Kalikasan at PNP Isabela

NPA-Isabela propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 31, 2019): Disarma ng NPA-Isabela sa Task Force Kalikasan at PNP Isabela

NEW PEOPLE'S ARMY
NPA-ISABELA
REYNALDO PIÑON COMMAND

SEPTEMBER 01, 2019

Dinisarmahan ng NPA Reynaldo Piñon Command (RPC) ang Task Force Kalikasan (TFK) noong July 5, 2019 sa Sitio Lagis, Brgy Sindun Bayabo, Ilagan City Isabela. Nasamsam ang 2 cal. 45, 1 9mm, 1 cal. 380 at 1 magnum 22.

Ang TFK ay nasa pamumuno ng PENRO Isabela sa ilalim ng Provincial Government ng Isabela. Ang TFK, kasama ang AFP at PNP ang mga nanguna sa demolisyon sa Sitio Lagis noong buwan ng Hunyo 2019. Walang awang pinaalis ang 56 pamilya na higit 3 dekada nang nagbubungkal doon ng lupa.

Ang TFK ang opisina na dinisarmahan din ng RPC noong August 2018 na talamak sa pagpapakahoy at pangongotong sa mga illegal loggers at mga nagbaba ng yantok.

Disarma sa PNP Isabela

Habang isinasagawa ito ng NPA RPC, na-checkpoint naman ang isang convoy ng mga pulis na papunta ng coastal town ng Isabela. Nasamsam sa 5 pulis ang 1 M4, 1AK, 5 9mm gloc, 1 cal. 40, 1 A2 Cal 22, at mga radio transceiver at mga bala.
Pagpaparusa

Pinarusahan din ang isang asset ng militar na si Celso Asuncion sa nasabing operasyon. Si Asuncion, na empleyado rin ng TFK, ay isang aktibong naniniktik sa mga aktibidad ng BHB.

https://cpp.ph/statement/disarma-ng-npa-isabela-sa-task-force-kalikasan-at-pnp-isabela/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.