SPOKESPERSON
NDF-BICOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
AUGUST 15, 2019
Pinuprotektahan at kinikilala ng mga pandaigdigang batas ang lakas at kapasyahan ng mamamayang pabagsakin ang isang tiraniko’t mapanupil na estado. Sa pagtindi ng pasistang atake ng rehimeng US-Duterte, lubos na yinuyurakan ang demokratikong karapatan ng mamamayan na buong lakas na lumalaban at papanagutin ang isang reaksyunaryong estado. Samantalang nagpapasasa ang mga nasa poder sa pangungurakot sa kabang-bayan, pagbebenta ng patrimonya ng bansa at sindikato ng iligal na droga at produkto, patuloy na nalulunod ang taumbayan sa paghihirap.
Sa ganitong sistema ng lipunan, sinong hindi magnanais na pumiglas at lumaban?
Ipinipinta ng sibilyang junta ni Duterte na mali, kriminal at walang katuturan ang anumang porma ng paglaban – parlamentaryo man o armado. Agresibong ilinunsad nito ang papatinding crackdown sa mga makabayan at progresibong organisasyon tulad ng Anakbayan, College Editors Guild of the Philippines (CEGP), Ibon Foundation, Kilusang Mayo Uno (KMU), Karapatan Alliance for the Advancement of Human Rights (Karapatan), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at mga progresibong partylist tulad ng Bayan Muna, Gabriela at Kabataan. Nagbabadya ang pagsasa-iligal ng mga organisasyong ito. Itinuturing na terorista ang mga rebolusyonaryong organisasyon sa ilalim ng CPP-NPA-NDF at mga indibidwal na inuugnay dito. Ito rin ang mga naging hakbangin ng diktadurang Marcos sa ilalim ng higit isang dekadang Batas Militar sa bansa.
Ngunit huli na para piringan ang mamamayang Pilipinong mulat sa mga aral ng kasasaysayan at sariling karanasan ng kalupitan sa kamay ng reaksyunaryong estado. Sa gitna ng pagrerebolusyon ng mamamayang Pilipino, nabibigkis ang pinakamalawak na hanay ng mga kabataan, magsasaka, manggagawa, at iba pang aping sektor ng lipunan. Dito, sa rebolusyonaryong kilusan, ibayong napatitibay ng mamamayan ang kanilang kapasyahang aktibong kumilos para sa tunay na pagbabago ng lipunan.
Pinagpupugayan ng NDF-Bikol ang lahat ng mamamayang Pilipinong mapagpasyang tumahak at naninindigan sa kawastuhan ng pagrerebolusyon. Hindi kailanman bibitawan ng rebolusyonaryong kilusan ang pagkakaisa ng mga nagnanais magsulong at magpatuloy sa pakikibaka ng mamamayan para pabagsakin ang sistema ng pang-aapi at pagsasamantala sa lipunang Pilipino.
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
Pagpupugay sa rebolusyong Pilipino!
Isulong ang digmang bayan hanggang ganap na tagumpay!
Ayon sa Universal Declaration of Human Rights 1948, “it is essential, if man is not to be compelled to have recourse, as a last resort, to rebellion against tyranny & oppression, that human rights should be protected by the rule of law. ” [GA. Res. 217A, at 135, U. N. Doc. A/810 (1948). ]
Ayon pa sa Declaration Of The Independence Of Colonial Nations & Peoples” (Resolution 1514, XV, December 14, 1960:
“2. All peoples have the right of self-determination. They are free to politically determine the force of this right & to freely struggle for economic, social, & cultural development.
3. All armed actions & measures of repression, of any type whatsoever, against dependent peoples are to be halted in order to make it possible for them to peacefully & freely enjoy their right to full independence. “
https://cpp.ph/statement/rebolusyong-pilipino-wasto-makatarungan-at-karapatan-ng-mamamayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.