Santos Ysay is with Hersheys Caalaman and 50 others.
August 12 at 7:05 PM
Please share kung kayo ay magulang o mamamayan na nais ng pagbabago sa lipunang ito at nais protektahan ang mga kabataan na totoong pag asa ng bayan.
https://www.youtube.com/watch?v=0zWawCX8_64&feature=share
Pls. Watch the interview of Ms. Sarah Elago.
ANO DAW???
Magsasagawa daw sila ng kilos protesta na maglalayon sa Presidente ng PILIPINAS administrasyon na mapabilis at mapirmahan na ang resolusyon na maglalayon upang ipagbawal ang mga pulis o ano mang #TAGAPAGTANGGOL sa loob ng skwelahan dahil ito ay school of peace at hindi pedeng pagbawalan ang sinumang mag organisa ng ano mang pag aaral at pagpahayag ng saloobin sa loob ng skwelahan. (Walang pumipigil sa pagpapahayg nyo sa inyong kritikal na kaisipan).
Sila pede #magpahayag mag #organisa AT magtalakay ng aral patungkol sa mga rebolusyong panlipunan at #YOUTHDEMOCRACY ang tawag ni Sarah Elago.
Habang ang mga magulang na gustong #protektahan ang mga anak #MILITARISASYON ang tawag nya dto.
Kaming mga magulang ang humiling sa gobyerno na protektahan ang aming mga anak sa loob ng skwelahan. Bakit di mo kami naririnig Sarah Elago. Wala kaming pakialam sa kahit anong alitan nyo sa gobyerno, Ang gusto namin ay ibalik nyo ang mga anak namin, sobrang #SAKIT at #PAGHIHIRAP na ang naranasan namin mula ng pag anib nila sa inyo at tuluyang iwan kami para sa rebolusyong pakikibaka. Inirerespeto namin ang karapatan ng kabataan pero irespeto morin ang aming karapatan bilang mga #MAGULANG.
Tulad namin magiging magulang ka din, pagmasdan mo ang mga hayop kapag bago silang panganak, mabangis at hindi nila hahayaang makalapit ka sa kanilang mga anak, kami pa na tao na may isip, puso, lakas at bibig para sabihin ang lahat ng aming saloobin.
Masaya ako na napansin nyo na kami sa aming mga panawagan dahil bago kami dumating sa ganitong sitwasyon ilang beses akong nakiusap sa inyo. Dahil simula ng mag miyembro sya ng inyong samahan, tinulak nyo syang umalis sa pag aaral at maging FULLTIME sa inyong samahan.
Oo nga't sya ay nasa wastong gulang ng tuluyang kaming iwan at kalabanin ang gobyerno tulad ng ginagawa nyo araw araw sa kalsada. Hindi kayo magandang ehemplo sa bayang ito tulad ng mga kabataan na nawawala at di na nakikita ng kanilang mga magulang. Paano nyo maipapaliwanag sa amin ang kanilang pagkawala na para bang kayo lamang ang may karapatan sa amaing mga anak. Hinubog nyo ang kanilang murang kaisipan ginapang sa edad na dise sais anyos para bigyang kamalayan sa rebolusyong pakikibaka ng di naglaon nawala na ng tuluyan. Anong naidulot nyo sa buhay ng aming mga anak at sa iba pang kabataan na nanggaling sa inyong samahan. Nawala sa eskwelahan, umakyat ng bundok at inuwi sa pamilya ng nakakahon at wala ng buhay.
Matagal na kaming natapos sa usaping pribado dahil hindi nyo kami binigyan ng pansin nun sinasarili namin ang sakit at paghihinagpis sa pagkawala ng aming mga anak.
ISA LAMANG ANG AMING KAGUSTUHAN KABATAAN PARTYLIST ,IBALIK NYO AT PAUWIIN ANG AMING MGA ANAK .
LUMAYO KAYO AT TIGILAN NYO ANG PAMILYANG FILIPINO.
wag samantalahin ang murang kaisipan para indoktrinahan sila ng galit at pagrerebelde. Balikan nyo sila sa tamang edad at pagnakatapos mag aral, yun edad na makikita nila at matitimbang ang katotohanan at sa mapalinlang na katototohanan.
HINDI KAMI LALABAN NG HARAPAN KUNG MERON KAMING ITINATAGO, KUNG KAYA LUMABAN DIN KAYO NG HARAPAN KUNG WALA KAYONG TINATAGO NG SA GANUN TAONG BAYAN ANG HUHUSGA KUNG SINO ANG MAY KARAPATAN AT KUNG SINO ANG KATOTOHANAN.
(salamat po ma'am Rory sa logo)
Paumanhin sa aking mga natag pede nyo po i untag. Salamat din po sa sumosuporta
#MABUHAYANGPAMILYANGFILIPINO.
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2682053345140748&set=pcb.2682053421807407&type=3&theater
[The Civil Relations Service (CRS) is the unit of the Armed Forces of the Philippines (AFP) that engages the public through its public information and community relations programs “to create a favorable atmosphere between the community and the AFP. The CRS is the equivalent of the Psychological Operations and Civil Affairs units of the US Army.]
https://www.facebook.com/CivilRelationsServiceAFP/?fref=photo
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.