BALDOMERO ARCANGHEL
NPA-EAST CAMARINES SUR (TOMAS PILAPIL COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
JULY 04, 2019
Iginagawad ng Tomas Pilapil Command ng Bagong Hukbong Bayan Camarines Sur ang pinakamataas na pagpupugay at parangal kina Norberto “Ka Obet” Balcueva at Salvador “Ka Cardo” Huwe na nasawi sa naganap na labanan sa pagitan ng yunit ng BHB at 83rd IB PA noong nakaraang Hunyo 28, 2019. Ganap na 5:00 ng umaga nang patraydor na umatake ang tropa ng 83rd IB PA sa yunit ng Bagong Hukbong Bayan na pansamantalang nakahimpil sa sityo Map-id , barangay Mampirao, bayan ng Caramoan , Camarines Sur. Ang yunit ng BHB na nasa lugar ay gumagampan ng mga gawain sa rebolusyon sa piling ng masang pinagsisilbihan nito.
Kinukundena ng TPC ang hindi makataong pagpaslang ng mga elemento ng 83rd IBPA kina Ka Obet at Ka Cardo . Sa kabila ng wala na sa kakayahang lumaban si Norberto Balcueva ay walang awa itong pinagtataga at binalian pa ng braso ng mga berdugong militar. Halos hindi makayanan tingnan ng mga kapamilya ang bangkay ni Norberto Balcueva sa pinagdalhang Funeraria nang makita ang kalunos-lunos na kalagayan at hitsura ng bangkay ni Ka Obet.
Ang ganitong pangyayari ay hindi iba sa mga ginawang karumaldumal na pagpatay ng mga militar kagaya kamakailan sa matandang mag-asawang Aragdon sa Caramoan noong Setyembre 11, 2018 na nilaslasan ng leeg at pinagsasaksak ang kamay. Ang mga karumaldumal na pagpaslang ng mga militar ay labag sa CARHRIHL na kapwa nilagdaan ng reboludyonaryong kilusan at ng reaksyunaryong gubyerno. Ang hindi pagsunod ng AFP sa batas ng digma ay pagpapatunay ng hindi pagkilala nito sa karapatan pantao, sa inilulunsad na gera ng rehimeng Us-Duterte sa mamamayan sa pagpapatupadd ng MO 32, EO 70 at ang madugong kampanya kontra-insurhensya na Oplan Kapanatagan. Mas titindi pa ang karahasan at brutalidad ng AFP sa pagsasakatuparan ng OPLAN KAPANATAGAN.
Ipinapaabot ng Tomas Pilapil Command ang marubdob na pakikiramay sa mga naiwang pamilya at kamag-anak ng dalawang martir na kasama sa naganap na labanan . Ang pagkakapaslang ng mga militar kina Ka Obet at Ka Cardo ay hindi kailanman tagumpay ng mga berdugong AFP kung hindi dagdag mantsa ng dugo at pagkamuhi ng mamamayan sa rehimeng US-Duterte at sa AFP. Sa bawat pagkabuwal ng mga pulang mandirigma, laksang mamamayan ang handang tumangan ng armas para ipagpatuloy ang laban.
Ang bagong programa ng rehimeng US-Duterte , Oplan Kapanatagan ay lalo lamang magpapatigas sa tindig ng mamamayang lumalaban para makamit ang minimithing tagumpay.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.