Friday, June 21, 2019

Opisyal umano ng New People's Army sa Davao City, sumuko

From ABS-CBN (Jun 19, 2019): Opisyal umano ng New People's Army sa Davao City, sumuko



DAVAO CITY—Sumuko sa 16th Infantry Battalion Martes ng umaga si Epifanio Blas, opisyal umano ng isang underground mass organization ng New People's Army.

Kilala si Blas bilang bise presidente ng Hingpit Organisadong Masa. Sumuko siya sa Barangay Malabog, Paquibato district sa lungsod na ito.

Isinuko rin ni Blas ang 9 na landmine na pinapatago sa kaniya ni Kumander Jeffrey ng 1st PBC-1 ng NPA, na unang nahuli ng militar.

Ayon kay Blas, 2015 pa umano niya itinatago ang mga pampasabog at sa pagkaaresto ni Jeffrey wala na umano itong rason para itago pa ito.

Pahayag ni Blas: "Ang tanan namo nga kahago ug gibuhat, nakita gyud nako nga walay kapuslanan kay sa unang mga adlaw nga ginasinggit sa kadalanan, gihatag naman gyud sa presidente ang problema sa mga Lumad sa bukid. Naa naman, natubag na 4ps, busa wala nay katarungan nga mouban sa ila, kay mao man na ilang basehan mao nang naengganyo mokuyog sa kalihukan."

(Ang lahat na pagod at ginawa, nakita talaga namin na walang saysay dahil sa unang mga araw na sinisigaw namin sa kalsada, binigay na ni Presidente Duterte ang problema ng mga Lumad sa bukid. May 4Ps, kaya wala nang saysay na sumama pa.)

Ayon kay Col. Nolasco Mempin, 1003rd Brigade Commander, ang pagsuko ni Blas ay patunay ng magandang resulta sa pakikipag-dayalogo ng kasundaluhan sa komunidad para makuha ang kanilang tiwala.

Bibigyan naman ng livelihood assistance si Blas.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.