Friday, June 21, 2019

Kalinaw News: Tatlong daan at pitumpung mag-aaral, nabiyayaan ng kagamitang pang eskwela, hygiene kit at libreng serbisyo sa ngipin

Posted to Kalinaw News (Jun 21, 2019): Tatlong daan at pitumpung mag-aaral, nabiyayaan ng kagamitang pang eskwela, hygiene kit at libreng serbisyo sa ngipin



San Jose, Occidental Mindoro, Dalawang daan at limampung (250) mag-aaral ang nabiyayaan ng kagamitan pang eskwela sa paaralan ng Naibuan Minority School, Barangay Naibuan, kasama ang mga stakeholders, kasundaluhan ng 4th Infantry Battalion, kapulisan ng 1st PMFC, at MPS, San Jose noong June 13, 2019.

Kasunod nito ang Dental Mission at pamimigay ng hygiene kit at aklat na ginanap sa Sitio Napisian, Brgy Cambunang, Bulalacao Oriental Mindoro, noong June 17, 2019 na umabot sa isang daan at dalawampu (120) ang nabiyayaan ng nasabing kagamitan at libreng dental service. Sa pamamagitan ng JCI San Juan Dambana, Uniliver Philippines, 1362nd Dental Det, Army Station Hospital, 2ID, at ang 4IBn. Naipaabot ang libreng serbisyo sa ating mga kababayaan at mag-aaral ang tamang pag alaga sa sarili at pag papahalaga ng education.

Layunin ng aktibidad na ito na maipaabot ang kahalagahan ng edukasyon, at kalinisan sa katawan na matulongan at maiparamdam sa kanila ang suporta na galing sa mga may butihing puso at sa mga kasundaluhan at kapulisan na laging handa na maipabot ang tulong sa ating mga mag-aaral na katutubong mangyan na naninirahan sa liblib na lugar ng barangay naibuan at cambunang..

Nag pasalamat ang mga mag-aaral sa tulong na naipaabot sa kanila lalo na ang mga guro na nagsisilbing pangalawang magulang ng mga bata sa silid paaralan. Kaya lubos silang nag papasalamat sa mabuting hangarin ng mga nagbigay tulong para sa mga mag-aaral.

Sa mga stakeholder na nagbigay tulong sa mga mag-aaral ito ay taos pusong pagbahagi nila sa mga kabataang salat sa kagamitan sa pang eskwela, binigyan nila ito ng diin na sana ito ay pahalagahan ng bawat mag-aaral ang mga kagamitan na ibinahagi sa kanila at mapagbuti nila ang kanilang pag-aaral at kalusogan.

Ipinaabot ni Lieutenat Colonel Alexander M Arbolado Batalyun Kumander ng 4th Infantry Battalion ang taos pusong pasasalamat sa mga stakeholders at sa mainit na pag tanggap ng paaralang elementarya ng naibuan at brgy cambunang sa mga kasundalohan at kapulisan na nag hatid sa kanila ng mga biyayang matatanggap nila mula sa mga stakeholders. Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad mas lalo pa nitong pina igting ang ugnayan ng mga stakeholders, kapulisan at kasundalohan na maipabatid sa kanila ang pagmamahal ng isang tunay na mamamayan ng mindoro na may malasakit sa kapwa.



4th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division Philippine Army
2LT KIMBERLY G VILLLUNA
Public Information Officer
Bulalacao, Oriental Mindoro
Contact No: 09171572280

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace by the Philippine Army. It provides information on the activities of Army Units nationwide in the performance of their duty of Serving the People and Securing the Land. This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.