NEW PEOPLE'S ARMY
RAYMUNDO BUENAFUERZA
NPA-BICOL REGION (ROMULO JALLORES COMMAND)
JUNE 15, 2019
Pinakamataas na antas ng pagkundena ang aming ipinaaabot sa pinakabagong insidente ng paglabag ng 31st IBPA at Philippine National Police- Magallanes, mga tuta ng pasista at tiranikong rehimen ni US-Duterte.
Alas-10 ng gabi ng maglunsad ng strike operation ang pinagkumbinang pwersa sa bahay ni Edwin Dematera “Ka Dupax” noong Hunyo 12. Bisperas ng piyesta noon sa Brgy. Incarizan, Magallanes, Sorsogon at naghahanda para sa binyag ng kanyang bunsong anak nang palibutan ng mga armadong pwersa ang kanyang bahay kahit na maraming mga bata at matanda sa loob.
Sinikap ni Dematera na makalabas ng bahay upang hindi madamay ang kanyang mga kamag-anak, lalo’t karamihan ay bata ang naroroon.
Nadakip nila si Dematera sa labas ng kanyang bahay ngunit hindi sila nakuntento, binugbog nila ito bago pinagbabaril hanggang malagutan ng hininga.
Pagkatapos ng pagpatay kay Dematera, pinasok ang bahay nito at pinaghahalughog ang mga “durabox”at kabinet sa loob. Kinuha nila ang lahat ng pera at selpon ng mga bisita sa loob ng bahay, kinuha din maging ang laptop na gamit sa eskwela ng mga anak ni Dematera at kanilang mga gamit na sundang.
Lahat ng makita nilang kalalakihan sa labas ng bahay ni Dematera ay kanilang pinagbubugbog kabilang si Jemuel Non Saturay, taga Brgy. Bulala, Magallanes, 26 anyos, pamangkin ni Dematera na pinaratangan nilang NPA. Pagkaaresto kay Saturay, binugbog muna nila ito bago dalhin sa Magallanes Municipal Police Station at sa Camp Escudero sa Sorsogon City. Katulad nang karaniwan nilang ginagawa, tinaniman nila ng caliber 38 si Saturay upang makasuhan ng illegal possession of firearms.
Tuloy-tuloy pang iniimbestigahan ng rebolusyonaryong kilusan ang insidente.
Malinaw na paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHIHRIL) ang nangyaring insidente. Si Dematera ay walang kakayanang lumaban nung panahon na iyon, at kasalukuyang nasa medical leave dahil sa pamamaga ng kanyang paa.
Pangatlong insidente na ito ng pananakot, pambubugbog, paghahalughog ng walang “search warrant” at lantarang pagnanakaw sa mga sibilyan na naitala ngayong taon. Unang kaso ng pagnanakaw ay sa mga bahay sa sentro ng Brgy. San Juan, Bulan, Sorsogon noong Abril 8 kung saan ay ilang daang libong piso at mga alahas ang ninakaw at sa bahay ni Kapitan Boncan ng Brgy. Gate, Bulan noong Abril 25 ng mga elemento ng 31st IBPA.
Raymond Buenfuerza
Tagapagsalita
Romullo Jallores Command – BHB Bikol
https://www.philippinerevolution.info/statement/matinding-paglabag-sa-karapatang-tao-ng-31st-ibpa-at-pnp-magallanes/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.