DIEGO WADAGAN
NPA-ABRA (AGUSTIN BEGNALEN COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
JUNE 13, 2019
Tulad ng isang halimaw, si Duterte ang pinakabihasa sa pagkatay sa mamamayan sa pamamagitan ng kanyang kriminal na mga OPLAN – Oplan-Tokhang, Oplan-Kapayapaan, Oplan-Sauron, at Martial Law. Sa mahabang listahan ng mga tagapagtanggol sa karapatang pantao, umaabot sa humigit 30, 000 ang pinaslang sa Oplan Tokhang at ilang daang magsasaka, abogado, media, human rights advocate, political activist, at mga katutubosa loob lamang ng 3 taong pagkapangulo ng kriminal na si Duterte. Upang makalusot sa kasong “Crime Against Humanity” na isinampa sa International Criminal Court, arbitraryong inalis ni Duterte ang Pilipinas bilang kasapi nito. Nito lamang Hunyo, mismong ang mga eksperto mula sa United Nation ay nanawagan na magbuo ng nagsasariling imbestigayon sa mga paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas dahil sa walang pakundangang pag-atake ng pwersa ng GRP sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at pagpatay ng mga kapulisan sa mga pinaghinalaang sangkot sa droga sa kontekstong “war-on-drugs” .
Sa kabila ng mariing kondemnasyon, ipinapatupad na ang panibagong Internal Security Operation Joint AFP-PNP Campaign Plan: Oplan Kapanatagan sa layunin diumanong wakasan ang insurhensya mula 2018-2022. Pangunahing target ng Oplan Kapanatagan ang mga pinaghihinalaang organisasyon at personahe na sumusuporta raw sa NPA. Sa nasabing kampanya, ligal na binuo ng AFP ang mga “death squads” at direktang nakapailalim sa militar ang buong PNP bilang taga-likha ng mga gawa-gawang kaso sa mga target at nagtatanim ng mga ebidensya, kasabwat ang mga kurap na husgado sa paglalabas ng mga magic na search warrant at warrant of arrest. Maging ang mga LGU na halos wala nang kontrol sa PNP ay nakatakdang ipaloob sa “Oplan Kapanatagan” sa pamamagitan ng mga “peace and order councils”.
Dahil sa pagnanais na maging diktador ng berdugong si Duterte, inaasahan na magiging mas mabangis ang “Oplan Kapanatagan 2019-2022” kasabwat ang mga opisyal ng militar at pulisya hanggang sa mga sagadsaring warlord na pulitiko na sila Gov. Joy Bernos at Vice Gov. Ronald Balao-as. Ang kriminal na programa ni Duterte ang gumagabay ngayon sa Abra Peace & Order Council o POC at PADAC na pinamumunuan at pinagtatambalan nina Gov. Joy Valera-Bernos, Vice Gov. Ronald Balao-as at ng 24th IB PA-PRO-CAR RPSB at PPSC-PNP. Pagkatapos ng madaya at mapanlinlang na eleksyon at pagkakaluklok sa senado at kongreso ng mga tagasunod ni Duterte, muling nakawala ang isang malahalimaw na terorismo ng estado laban sa mga mamamayang naghahanap ng hustisya at katarungang panlipunan.
Ngunit sadyang hindi na bago ang ganitong patakaran ng reaksyunaryong gubyerno sa Pilipinas. Lahat ng kontra-insurhensyang programa ng mga nagdaang presidente ay nilabanan at binigo ng mamamayan sa pamamagitan ng militanteng pagkilos at kasabay ng papalakas na armadong rebolusyon sa buong bansa. Hindi katanggap-tanggap ang kriminal-tiranikong presidente sa isang bansang nagnanais ng progresibong kaunlaran sa ekonomiya, pulitika at kultura. Mahigpit na nakikiisa ang Agustin Begnalen Command – NPA Abra sa panawagan ng buong rebolusyonaryong kilusan ng mamamayang Pilipino na pahigpitin ang ating hanay at ibayong ipagtanggol ang buhay, kabuhayan at karapatan ng masang magsasaka, manggagawa kasama ng iba pang demokratikong hanay ng propesyunal at makabayang negosyante.
Hinihikayat din natin ang mga makabayang sundalo at pulisya na pag-aralan ng maigi at biguin ang mga kautusan ng kriminal na pangulong si Duterte. Ang mga taga Kordilyerang opisyal at kawal ng AFP at PNP ay dapat ding balikan ang tunay na tradisyon ng pagiging mandirigma sa kahulugan ng pagtatanggol ng lupaing ninuno at karangalan ng mga tribu. Ang kawalan ng sapat na lupa at disenteng trabaho ang nagtulak sa karamihan sa kanila na maging utusan ng diktador na gubyerno na ginagamit ang buwis ng taumbayan para suhulan o swelduhan ang sundalo at pulis upang maging bulag na tagasunod sa paghaharing diktador na pangulo. Karamihan sa mga sundalo at pulis ay mga anak ng magsasaka at manggagawa at maralita na nangarap na maiahon sa kahirapan ang bawat pamilyang pinagmulan. Alam nilang ang mismong bulok na gubyerno ng Pilipinas ay pinaghaharian ng mga ganid na malalaking panginoong may lupa at kumprador. Dapat nilang malaman na ang ugat ng kahirapan at mga digmaan ay ang kawalan o kakulangan ng lupang sinasaka at kawalan ng pambansang industriyalisasyon. Dapat nilang malaman na ang droga sa Pilipinas ay sabwatan ng nga dayuhan at lokal na sindikatong malalaking opisyal ng gubyerno-AFP-PNP sila mga mga ang pasimuno at maysala! Batid nilang hindi terorista ang CPP-NPA dahil karamihan ng mga mandirigma ng NPA ay kanilang mga kamag-anak, kababayan, kaibigan at naging mga tagapagmulat sa kanila mula sa pagkabata sa mga baryong pinagmulan nila. Dapat nilang malaman na dito sa Kordilyera ay maningning ang kabayanihan ng mga tribu at ng NPA sa buhay at kamatayang pakikipaglaban sa imperyalistang proyektong Chico Dam at Cellophil Logging noong dekada ’80 at hanggang sa paghadlang sa mga dambuhalang kumpanya ng minahan. Dapat nilang balikan ang tunay na kahulugan at kabuluhan ng pagiging Maingel o mandirigma – ito ang diwa ng paglilingkod sa sambayanan hindi sa imperyalistang bansa at kriminal na presidente.
BIGUIN AT LABANAN ANG OPLAN KAPANATAGAN!
IBAGSAK ANG KRIMINAL NA REHIMENG DUTERTE!
ISULONG ANG DIGMANG BAYAN HANGGANG SA TAGUMPAY!
https://www.philippinerevolution.info/statement/oplan-kapanatagan-bagong-kill-kill-kill-program-ng-rehimen/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.