CLEO DEL MUNDO
SPOKESPERSON | NPA-QUEZON
(APOLONIO MENDOZA COMMAND)
APRIL 11, 2019
1. Ang NPA ay Disiplinado — magagalang, hindi nananakit o nagmumura sa masa
2. Ang NPA ay hindi kumukuha ng hindi kanila — nagbabayad nang tama para sa binili at isinasauli ang lahat ng hiniram
3. Ang NPA ay nagbabayad para sa anumang nasira — Noong 2018, sa dalawang magkahiwalay na ambus na isinagawa sa General Luna at Lopez, nadamay ang bubong ng traysikel na dumadaan at naka-ulang baka sa pinangyarihan ng ambus. Mapagpakumbabang humingi ng pasensya at nagbayad ng danyos ang NPA sa may-ari ng traysikel at baka.
4. Ang NPA ay Naglilingkod sa masa — Titser, organisador, doktor o medik ng magsasaka, barbero, dentista, tagagawa ng kubeta, nag-aayos ng bubong, taga-ula ng hayop, tumutulong at kasama ng mamamayan sa pagpapaunlad ng agrikultura.
5. Ang NPA ay hindi naninira ng pananim
6. Ang NPA ay hindi nagsasamantala sa kababaihan
7. Ang NPA ay hindi nagmamalupit sa mga bihag
8. Ang NPA ay Sumbungan ng bayan — matagal nang takbuhan ng inaapi’t mahirap ang NPA. Tinitiyak nila na mabilis, patas at makatarungan ang pagdinig sa mga kaso. Walang lagay-lagay o “palakasan.” Pinarurusahan agad ang mga mapang-abuso. Pero malawak ang pang-unawa ng NPA. Inuugat nila ang mga suliranin. Hindi tulad ng Oplan Tokhang na bumibiktima lamang ng mahihirap, sinisiguro ng NPA na ang parurusahan ay ang mga nagpapakana ng mga problema ng lipunan— mga sindikato at kanilang mga protektor sa matataas na pwesto sa AFP/PNP at sa pamahalaan.
9. Ang NPA ay hindi teroristang grupo — Isang pwersang nakikidigma ang NPA laban sa bulok na sistema. Pinagpapatuloy nila ang himagsikan nina Bonifacio at Katipunan sa pamamagitan ng Matagalang Digmang Bayan. Tinatanganan nila ang prinsipyong “kubkubin ang kalunsuran mula sa kanayunan.” Dagdag pa, hindi extortionist o mangingikil ang NPA.
10. Ang NPA ang tunay na sundalo magsasaka! – Isinusulong ng NPA rebolusyong agraryo para sa mga magsasaka. Sa minimum, ibaba ang upa sa lupa, at itaas ang kita ng magsasaka. Sa maksimum, libreng ipamahagi sa kanila ang mga lupang sakahan. Kaya ang uring magsasaka ang ‘di nasasaid na balon ng mga bagong Pulang mandirigma.
Ito ang mga dahilan kung bakit kinukupkop at minamahal ng mamamayan ang NPA. Itinuturing nila ang mga Pulang mandirigma bilang kanilang mga sariling kapamilya.
https://www.philippinerevolution.info/statement/10-dahilan-kung-bakit-dapat-pakamahalin-ang-new-peoples-army/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.