Sunday, September 2, 2018

CPP/NPA-ST: Pagtatalaga bilang Chief Justice kay Teresita de Castro, bayad-utang ni Duterte

NPA-Southern Tagalog propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Aug 28): Pagtatalaga bilang Chief Justice kay Teresita de Castro, bayad-utang ni Duterte

Statement
August 28, 2018

Ang pagpili ni Duterte kay CJ Teresita de Castro bilang punong mahistrado ng reaksyunaryong Korte Suprema ay pagbabayad ng utang na loob at pagbibigay pabuya ni Duterte kay de Castro sa kanyang susing papel sa pagpapatalsik kay CJ Sereno. Walang kahihiyang ginawa ito sa kabila na nakatakda nang magretiro si de Castro sa darating na Oktubre at sa gayon ay 41 araw na lamang ang itatagal nito bilang Chief Justice ng Korte Suprema. Ito ang isa sa pinakahuling patunay sa pag-iral ng bulok na pulitika ng patronahe na pinaiiral ng mga burukratang kapitalista tulad ni Duterte, Macapagal-Arroyo at Marcos.

Tusong maniobra ito upang legal na mailusot ang kasunod na hawak-sa-leeg ni Duterte na Chief Justice ng reaksyunaryong Korte Suprema. Nagbabadya din ito ng napakalaking panganib sa sambayanang Pilipino. Kailangang maging mapagbantay at alerto ang sambayanang Pilipino sa mga gagawing tusong maniubrang legal ng pasista at tutang rehimen ni Duterte gamit ang rubber stamp na Korte Suprema upang ilusot ang pakanang magpataw ng batas militar sa buong bansa.

Ang malawak na inaapi at pinagsasamantalahang uri sa lipunang Pilipino ang tiyak na siyang papasan ng bigat ng inhustisya at pagpapahirap sa ilalim ng rehimeng US-Duterte. Wala ni anumang masasandalan ang mga inaapi at pinagsasamantalahan sa paghahanap ng katarungan sa ilalim ng kasalukuyang nakatayong reaksyunaryong estado kundi ang humawak ng sandata at isulong ang rebolusyong panlipunan.

Nananawagan kami sa sambayanang Pilipino na higit na palakasin ang paglaban hanggang sa maibagsak ang pasista at pahirap na rehimeng US-Duterte. Dapat na maging aktibo ang ibat ibang uri, sektor, at organisasyon ng mga makabayan at patriyotikong saray ng lipunan upang igiit ang mga lehitimong kahilingan at karapatan. Hawakan ang sariling kapalaran sa ating mga kamay sa pagharap sa nagbabadyang diktadurang pangkating Macapagal-Arroyo, Marcos at Duterte. Hindi dapat mangibabaw ang kasakiman at kawalang hustisya ng mga ganid sa kapangyarihang sina Macapagal-Arroyo, Marcos at Duterte. Sama-sama nating ibagsak ang pangkating ito.

https://www.philippinerevolution.info/2018/08/28/pagtatalaga-bilang-chief-justice-kay-teresita-de-castro-bayad-utang-ni-duterte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.