Tuesday, September 25, 2018

CPP/NPA-Sorsogon: “Oust Duterte Movement” at “localized peace talks”, Guni-guni ng Rehimeng US-Duterte

NPA-Sorsogon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Sep 25): “Oust Duterte Movement” at “localized peace talks”, Guni-guni ng Rehimeng US-Duterte

Nitong mga nakaraang linggo, pilit na ibinibenta ng rehimeng US-Duterte ang isang diumano ay planong pagpapabagsak sa kanya sa Oktubre na tinawag na “Oust Duterte Movement” na kinasasangkutan ng mga komunista, Magdalo ni Trillanes, Liberal Party at mga taong simbahan. Malinaw na isa lamang itong guni-guni at multo na ginawa ni Duterte upang bigyang matwid ang matagal na nyang ambisyong pagdedeklara ng Martial Law sa Pilipinas.

Tulad ng ipinapakalat ng rehimen na diumanoy may itinanim na bomba ang hanay ng NPA sa mga unibersidad sa Maynila (Mapua at UST) noong Setyembre 19, dalawang araw bago ang malaking mobilisasyon para sa komemorasyon ng pagdedeklara sa martial law, naghahasik ng takot at papalalang pasismo si Duterte upang pigilan ang papatinding paglaban ng mamamayan.

Kasabay ng papatinding paglaban ng sambayanan, dumarami din ang mga aksyong militar na inilulunsad ng New Peopleís Army na bumabatak at unti-unting dumudurog sa kanyang rehimen. Sa Bicol, mula buwan ng Hulyo hanggang sa kasalukuyan ay hindi bababa sa 50 ang nailunsad nang taktikal na opensiba, taliwas ito sa pahayag ng rehimen na mahahati o madudurog na ang pwersa ng rebolusyonaryong kilusan.

Malinaw na sawang sawa na ang mamamayang Pilipino sa militarismo at pasistang paghahari ng rehimeng US-Duterte, kasapakat ang kanyang tutang AFP-PNP-CAFGU. Kaalinsabay pa nito ang matinding sagasa ng TRAIN law sa sambayanang Pilipino, patuloy na pagbubukas ni Duterte sa mga dayuhang mamumuhunan kapalit ang pag-agaw sa mga lupaing ninuno ng mga lumad sa Mindanao. Tuloy-tuloy na pagkakait ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa at iba pang sektor kayaít hindi nakapagtataka na ang sambayanang Pilipino mismo ang manawagan at magpapatalsik sa kanya sa pwesto.

Kasabay din ng kanyang terorismo sa mamamayan Pilipino ay iginigiit pa rin nya ang ìlocalized peace talksî upang pagtakpan ang kawalang interes na resolbahin ang ugat ng digmaan sa Pilipinas- ang kawalan ng lupa, pambansang industriyalisasyon at pasismo ng estado.

Tulad ng mga naunang pahayag, kailanman ay hindi ito tatanggapin ng Celso Minguez Command, kasabay ng iba pang mga kumand ng Bagong Hukbong Bayan at ng mamamayang Sorsoganon. Ang National Democratic Front lamang ang may awtoridad na katawanin ang CPP-NPA-NDF sa usapang kapayapaan at magsagawa ng anumang kasunduan sa GRP. Ang ìlocal peacetalksî ay taliwas sa Joint Hague Declaration na pinirmahan ng GRP at NDFP noong Setyembre 1, 1992 na nagsasaad na dapat ay idaos ang usapang pangkapayapaan sa nyutral na lugar sa ibang bansa at hindi sa Pilipinas.

Sa pagpapatuloy ng pasismo at pagpapahirap ng rehimeng US-Duterte sa mamamayan, makatitityak din ang mga Sorsoganon na magpapatuloy din ang armadong pakikibaka upang makamit ang tunay na kapayapaan na nakabatay sa hustisyang panlipunan.

https://www.philippinerevolution.info/statement/oust-duterte-movement-at-localized-peace-talks-guni-guni-ng-rehimeng-us-duterte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.