Tuesday, July 17, 2018

MNLF Division Kumander at isa pa inutas

From the Mindanao Examiner (Jul 17): MNLF Division Kumander at isa pa inutas

Nautas ang isang kumander ng Moro National Liberation Front o MNLF at angkasama nito makaraang pabulagtain ng suspek na sakay ng motorsiklo sa harap ng Hall of Justice na nasa National Highway sa bayan ng Midsayap, North Cotabato, Martes ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office ang biktima na si Datu Lumambok Mananimbong, kumander ng MNLF at ang kasama nito na si Bert Aran Camen na kapwa dead on arrival.


Batay sa ulat, nangyari ang pamamaril pasado alas-10:00 ng umaga kungsaan nakatayo lamang ang mga biktima sa harap ng korte ng pagbabarilin ng suspek na nakamotorsiklo. Na kulay pulang motorstar.

Nang makitang duguan na ang mga biktima ay tumalilis ang mga suspek patungo sa bahagi ng Aleosan.

Patuloy ang hot pursuit operation laban sa mga suspek.

https://mindanaoexaminer.com/mnlf-division-kumander-at-isa-pa-inutas/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.