Tuesday, July 17, 2018

3 Teroristang NPA na napatay sa Engwentro sa Jose Panganiban, nakilala na!

From the 902nd Infantry Brigade Facebook Page (Jul 15): 3 Teroristang NPA na napatay sa Engwentro sa Jose Panganiban, nakilala na!

CAMP BUSIG – ON, Labo --- Nabunyag na ang mga pagkakakilanlan sa mga teroristang NPA na napatay sa engkwentro sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte nitong ika-5 ngHulyo ng taong kasalukuyan.

 Ayon sa ulat na nakarating sa himpilan ng 902nd Infantry (Fight and Serve) Brigade, ang mga napatay na teroristang NPA ay sina Budy Mari Briton, 19 taong gulang, residente ng Purok 2, San Martin, Jose Pangan...iban, Camarines Norte, Mark Jonel Lomerio, 21 taong gulang, residente ng Purok 6, Malibago, Labo Camarines Norte, at Marlon Mendoza, 23 taong gulang, residente ng Masbate City. Ang mga labi ng mga nasawing NPA ay kinuha na nang kani-kanilang kapamilya at iniuwi na sa kanilang mga lugar.

Sinabi ng pinuno ng 902nd Brigade na si BGEN PEALE JON L BONDOC AFP, “ito ang mga dahilan kung bakit hinihikayat namin ang mga armadong grupo na magbalik loob na sa ating pamahalaan. Nakakalungkot makita na sa murang edad lamang ay masawi sila sa maling paniniwala”. Dagdag pa ng heneral, “sana’y magsilbing babala na ito sa kanilang mga kasamahan at bigyang daan nila ang usapang pangkapayapaan upang sa ganun ay makasama pa nila ang kanilang mga mahal sa buhay.”

Muli ay sinabi ng heneral, “nakahanda ang pamahalaan na tulungan sila na makapagbagong buhay, sa tulong ng mga programa ng pamahalaan kagaya ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) o mga benepisyo na pangkabuhayan na nakalaan para sa kanila, sapat para sa pagsisimula ng buhay na tahimik at kasama ang pamilya.”

Image may contain: one or more people

Image may contain: one or more people and outdoor

https://www.facebook.com/902FIGHTANDSERVE/?hc_ref=ARTglKfhFkG0baXSqfeqjGqGpzk3CKUGZpkJWa11G9yRKSJMlSHhWP3bm5WZAzeu4X4&fref=nf

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.