NPA-Quezon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 20): Babala sa mga impormer ng AFP at PNP
Ka Cleo del Mundo, Spokesperson
NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)
20 July 2018
Nagdiriwang ang rebolusyonaryong mamamayan ng Quezon matapos maparusahan ng isparo yunit ng Apolonio Mendoza Command-NPA-Quezon sina Efren Aguila at alyas Gary Perez, mga notoryus na asset ng Armed Forces of the Phillipines sa magkahiwalay na operasyon sa Bondoc Peninsula, kahapon, Hulyo 19.
Si Aguila ang nagpakubkob sa pangkat nina Gilbert “Ka Ipe” Tigas noong Marso 2010. Nadamay at nasawi sa insidente ang isang kandidatong konsehal ng bayan ng Padre Burgos na noon ay kinakausap ni Ka Ipe.
Si Gary ang sangkot sa pagtuturo sa kinaroroonan ng mga NPA na naging sanhi ng pagkamartir nina Edilberto “Ka Enteng” Escudero at Roval “Ka Elor” Belario sa isang labanan noong Nobyembre 2007 sa bayan ng San Narciso. Isa ito sa mahabang listahan ng nakakarimarim na paglabag sa batas ng digma ng 74th IBPA dahil sa ginawa nilang pagpapalapa sa aso sa noon ay sugatan pero buhay pang si Ka Roval.
Samantala, pinarusahan din sina Roberto Orugo at Juanito Javier, Jr sa magkahiwalay na operasyon ng NPA sa bayan ng Gumaca at Plaridel noong ika 6 at 12 ng Hulyo.
Si Javier ang mastermind sa pagpapakulong sa isang NPA matapos niyang bugbugin ang nasabing pulang mandirigma nito lamang Mayo. Sigâ, mangungursunada at talamak sa gawaing anti-sosyal si Javier sa kanilang baryo, at ipinagyayabang pang hindi siya kumikilala sa pulang kapangyarihan ng rebolusyunaryong kilusan.
Si Orugo naman ang gumiya sa nag-ooperasyong sundalo at nagturo sa mga NPA at kinalalagyan ng mga nakatagong baril kapalit ng P150,000. Sangkot si Orugo sa pagkakadakip ni Ka Cleo del Mundo at dalawa pang kasamahan sa bayan ng Atimonan noong June 2008.
Sa gitna ng pamamarusa sa mga nabanggit na asset ng Southern Luzon Command ng AFP, nananatiling tahimik at itinatatwa ng pasistang tropa ang kanilang mga tauhan at pinalalabas na sibilyan ang kanilang mga bayarang ahente.
Magsisilbi itong babala sa mga asset ng AFP at PNP na lisanin na nila ang kanilang trabaho dahil hindi titigil ang rebolusyonaryong kilusan sa paniningil sa mga kontra-rebolusyon at nagkaroon ng mabibigat na pagkakasala sa mamamayan.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.