NPA-Central Negros propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jul 26): Dating myebro ng AFP Pinarusahan ng NPA
JB Regalado, Spokesperson
NPA-Central Negros (Leonardo Panaligan Command)
26 July 2018
Press Release
Dating AFP intelligence officer na si Larry De Gracia, matagumpay na pinarusahan ng kamatayan ng LPC-NPA sa dikta ng Rebolusyonaryong Korte ng Mamamayan. Isinagawa ang pagparusa noong Hulyo 24, 2018 alas 12: 50 ng tanghali sa Liko, Brgy. Bulado, Guihulngan City, Negros Oriental.
Si Larry De Gracia, palabas na lamang na wala na ito sa roster ng AFP, pero patuloy at malakas na nagpaniktik sa mga kilos ng NPA. Si De Gracia isa sa mga itinanim ng AFP at PNP-Guihulngan na sumunod at maniktik sa kilos ng NPA at legal na mga kilusan ng mamamayan sa mga Barangay ng Calamba, Bulado at Basak lahat ng Guihulngan.
Maraming ding reklamo ng maliliit na mga mangingisda sa Brgy. Bulado kay Larry De Gracia dahil sa pagpipigil nito sa pagpangisda malapit sa Bulado Port. Hinuli’t pinigilan din nito ang pagdating ng maliliit na mga panakayan o bangkang de motor sa nasabing pier.
Napatunayan ng NPA na may kinalaman siya sa pagpatay kay Alberto “Liboy” Tecson noong Hulyo 24, 2017 sa pamamagitan ngvpagreport sa AFP at PNP sa mga involvement ni Liboy sa PAMALAKAYA-KMP.
Napatunayan din ng kilusan na si Larry De Gracia isa rin sa mga protektor sa pagpapasok ng mga ilegal na druga mula sa Cebu City na dadaan sa Bulado Port na sinusuplay sa Guihulngan at buong Negros Oriental. Kasabwat nito ang PNP-Guihulngan at bilang sa mga local executives pareho ni City Councilor Pipo Pasigna.
Ang ilegal na druga na pumapasok sa Bulado Port, kakumpetensiya ng shabu na pinapalusot ni Mike “Dongkoy” Jakosalem na nagmula sa Cebu City kung saan pinoprotektahan din ng iba pang sindikatong myembro ng PNP-Guihulngan pareho nila PNP Melgin Bulandres at PNP Fermin Jacobe.
Rason na walang kaayusan ang problema ng laganap na ilegal na droga sa Guihulngan at buong Negros Oriental. Laganap dinn ang extra-judicial killings at unsolve cases sa Guihulngan dahil sa kontradiksyon at kumpetensya sa pagtitinda ng shabu sa Guihulngan at buog Negros Oriental.
Dinidiktahan ang lahat na yunit ng NPA ilalim ng LPC na parusahan ang mga sindikato at illegal drug protector na mga kapulisan at AFP sa Guihulngan at Negros Oriental sandig sa proseso ng Rebolusyonaryong Korte ng Mamamayan.
https://www.philippinerevolution.info/statements/20180726-dating-myebro-ng-afp-pinarusahan-ng-npa
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.