Saturday, February 24, 2018

2 Marines, isang rebelde patay sa Cotabato clash

From the Mindanao Examiner (Feb 24): 2 Marines, isang rebelde patay sa Cotabato clash

Napaslang ang dalawang Marines at isa pa ang sugatan matapos silang ratratin ng dalawang armado na pinaniniwalaang mga rebelde sa Cotabato City, ngunit napatay rin ang isa sa mga salarin at sugatan naman ang kasamahan nito sa sagupaan.

Naganap ang atake habang sakay ng isang motorsiklo ang mga sundalo kahapon. Dead on the spot ang isang sundalo. Binaril rin ng mga suspek ang isa pang sundalo na noon ay umaasikaso sa bangkay ng kasamahan sa punerarya at napaslang rin ito.


Ngnit mabilis naman naka-responde ang iba pang mga Marines at hinabol ang dalawang kriminal hanggang sa mapatay nila ang isa at masugatan ang kasamahan na kasalukuyang bantay-sarado sa pamagamutan.

Pawang naka-adestino ang mga sundalo sa Marine Battalion Landing Team 7 sa bayan ng Upi sa magulong lalawigan ng Maguindanao. Inaalam pa ngayon kung miyembro ng Maute group o ISIS ang mga suspek na pawang mga taga-Cotabato City.

http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/2018/02/2-marines-isang-rebelde-patay-sa.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.