Sunday, December 24, 2017

SINALAKAY | BIFF, sinalakay ang Army-CAFGU detachment sa Cotabato

From Radio Mindanao Network (Dec 23): SINALAKAY | BIFF, sinalakay ang Army-CAFGU detachment sa Cotabato



Cotabato – Sinalakay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang isang Army-CAFGU detachment kagabi sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay 602nd brigade chief B/Gen. Nolly Samarita – sinalakay ng tinatayang 30 mga miyembro ng BIFF ang detachment ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa ilalim ng bravo company ng 38th infantry battalion Philippine Army.

Agad naman itong natunugan ng mga sundalo at CAFGU na gumanti ng putok sa mga rebelde.

Tumagal ng dalawampung minuto ang palitan ng bala sa magkabilang panig dahilan kaya nagdulot ito ng labis na takot sa mga sibilyan.

Umatras din ang mga terorista nang matunugan ang paparating na karagdagang pwersa ng militar.

Walang nasugatan o nasawi sa mga sundalo at CAFGU habang hindi naman matiyak sa panig ng mga rebelled.

https://rmn.ph/sinalakay-biff-sinalakay-ang-army-cafgu-detachment-sa-cotabato/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.