Saturday, November 18, 2017

Sundalo pinagnakawan, pinagbabaril sa Albay

From ABS-CBN (Nov 18): Sundalo pinagnakawan, pinagbabaril sa Albay



Pinagnakawan at pinagbabaril ang isang miyembro ng Philippine Army sa Albay, Sabado ng umaga. Erick Baldo, ABS-CBN News
Patay ang isang sundalo matapos pagbabarilin ng mga hinihinalang rebelde sa Daraga, Albay nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Private 1st Class George Murillo na namimili lamang sa palengke bandang alas-6 ng umaga.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na mga miyembro ng Special Partisan Unit ng New People's Army ang mga salarin.

Tinangay din umano ng mga suspek ang pera, kabilang ang cash bonuses, ni Murillo.

http://news.abs-cbn.com/news/11/18/17/sundalo-pinagnakawan-pinagbabaril-sa-albay

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.