Sunday, August 6, 2017

CPP/NPA-EV: 10 sundalo patay sa serye ng mga opensiba ng Silvio Pajares Command sa Northern Samar

NPA-Eastern Visayas propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Aug 5): 10 sundalo patay sa serye ng mga opensiba ng Silvio Pajares Command sa Northern Samar



NPA-Eastern Visayas (Region VIII) (Efren Martires Command)

5 August 2017

Hindi bababa sa sampung sundalo at may di na mabilang na iba pang mga sugatan sa mga taktikal na opensiba ng Silvio Pajares Command sa saklaw na larangang gerilya sa Northern Samar. Ito’y tugon ng BHB upang ipagtanggol ang mga mamamayan sa matinding militarisasyon sa probinsya na kasabay ng pinalawig na batas militar ng rehimeng US-Duterte sa Mindanao. Kalakhan nito’y mga operasyong sapper na matagumpay na nailunsad sa mga detatsment ng CAFGU.

Noong Hunyo 29, bandang alas-11 ng gabi, hinaras ng magkasanib na isang iskwad ng mga Pulang mandirigma at milisyang bayan ang detatsment ng 52nd IB CAA sa Barangay Bangon, Gamay, Northern Samar. Ilang segundo lang na sabay-sabay na pinaputukan ng mga kasama ang detatsment saka huminto at pagkatapos, pinasabog ang command anti-personnel mine (CAP2) na iginapang ng yunit palapit sa detatsment. Patay ang kumander ng kaaway na si Sgt. Falconete (taga-Buray, Paranas, Samar) at lima pang sundalo.

Sa parehong araw, bandang alas-11:30 ng gabi, hinaras din ng mga Pulang mandirigma at milisyang bayan ang detatsment ng 52nd IB CAA sa Barangay Carawag, Palapag, Northern Samar. Naunang pinasabog ang CAP2 na iginapang palapit sa detatsment saka sinundan ng bugso ng putok ng mga baril. Isang sundalo ang napatay.

Pagdating naman ng araw ng SONA mismo ni GRP President Rodrigo Duterte, Hulyo 24, ala-1:00 ng madaling araw, ginapang at pinasabugan ng 10-kataong iskwad ng mga Pulang mandirigma at milisyang bayan ang detatsment ng 52nd IB CAA sa Barangay Potong, Lapinig. Idinikit nila ang isang CAP2 na isang dangkal mula sa bakod at wala pang tatlong metro mula sa guardhouse. Sinundan din nila ang pagsabog ng bugso ng putok mula sa mahahabang baril. Apat na kubo ang nawasak, tatlo ang patay sa kaaway at malubhang nasugatan ang kumander ng kaaway na hindi na nakapagmando sa kanyang yunit na tatlong putok lamang ang naiganti.

Pagsapit ng Hulyo 29, bandang alas-5:30 ng hapon, hinaras naman ng isang tim ng BHB ang detatsment ng 52nd IB CAA sa Barangay Bangon, Gamay, Northern Samar. Ayon sa mga tagabaryo, naiwan ng mga sundalong pumunta sa burol ng isang pinarusahang aset ang kanilang mga baril sa pagmamadaling makalayo sa lugar. Ang mga sundalo namang nasa loob ng kampo ay nagpaputok ngunit papaatras sila mula sa kampo.

https://www.philippinerevolution.info/statements/20170805-10-sundalo-patay-sa-serye-ng-mga-opensiba-ng-silvio-pajares-command-sa-northern-samar

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.