Monday, July 31, 2017

CPP/NPA-Palawan: Terorismong Militar sa Palawan: Nagpapatuloy!

NPA-Palawan propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jul 29): Terorismong Militar sa Palawan: Nagpapatuloy!

Salvador Luminoso, Spokesperson
NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command)

29 July 2017

Mahigpit na kinukundena Ng BVC ang patuloy na terorismong inihahasik Ng AFP at PNP sa buong lalawigan bilang bahagi ng US-COIN guide Oplan Kapayapaan ng rehiming US-Duterte.

Sa loob lamang ng dalawang buwang implementasyon nito sa mga target area ng kampanya ay nagresulta ito ng malubhang paglabag sa karapatang pantao tulad ng dislokasyon ng mga katutubo at pagkaiwan sa kanilang kaingin, pamamaril sa apat kataong katutubo na taga PIADP Bonobono na nangingilaw lamang ng ibon at pinaghinalaan na NPA. Nagresulta ito ng dalawa sa mga katutubo ang sugatan. Sumunod na pangyayari ay ang pang-aaresto sa buong pamilya ng isang chieftain na kilalang Polog na taga Marinsyawon, Bonobono Bataraza na maging ang mga asawa nito na mga buntis ay dinala sa kampo Ng mga marines. Habang nasa daan ay binubugbog ng mga sundalo ang mga kalalakihan at di pa nasiyahan ay inihulog sa truck si Chief Polog at pinalalabas na tumalon daw ito. Sa kasalukuyan ay nasa ospital pa ito.

Sa mga sityo naman na sakop ng Culasian Rizal, walang tigil ang ginagawang pambobomba gamit ang mortar at pagpapaputok ng mga grenade launcher matapos Ang dramang labanan o kung di man drama ay misencounter sa pagitan ng mga militar mismo noong 27 ng Hulyo bandang alas-tres ng hapon at kinabukasan naman ay nagpasabog muli ng bomba sa pagitan naman ng Bulalacao at Malihud sa Bataraza.

Samantalang sa bahaging Norte Naman ng lalawigan na Kung saan may mahigpit na pagtutol ang mga mangingisda sa PCSD AO#5 ay tinutugis din ang mga lider-mangingisda at hinuli ang mag-asawang Labaho at 2 pang kasamahan nito na umanoy kasapi ng NPA at kinasuhan agad Ng illegal position of explosive na Kung saan ay walang katumbas na piyansa.

Ang mga kaganapang ito sa Palawan na nangyayari din sa iba pang panig ng bansa ay ang tunay na mukha ng Oplan Kapayapaan na walang ipinag-iba sa Oplan Bayanihan ng nagdaang rehimen. Mas masahol pa nga ang Oplan Kapayapaan dahil may kakabit itong martial law sa Mindanao subalit ipinapatupad din sa buong bansa sa tabing ng anti-terorismong kampanya ng AFP at PNP sa dikta ng US na syang tunay na terorista sa buong daigdig.

Biguin ang terorismong hatid ng imperyalismong US at mga kasabwat nitong lokal na papet!

Palakasin ang rebolusyon at ibagsak any buong naghaharing sistema! Itayo ang soslistang lipunan.

Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Mabuhay ang CPP NPA NDFP!

Mabuhay ang Rebolusyon!

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.