Friday, July 21, 2017

CPP/NPA-Palawan: Magkasunod na aksyong militar ng BHB Palawan, inilunsad!

New People's Army-Palawan propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jul 19): Magkasunod na aksyong militar ng BHB Palawan, inilunsad!



Salvador Luminoso, Spokesperson
NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command)

19 July 2017

Pinasabugan ng mga elemento ng Mt. Mantalingahan Command (MMC) (NPA-South Palawan) ang isang M35 truck ng 4th MBLT Philippine Marines kahapon petsa 18 bandang 1:05 ng hapon sa Barangay Tarusan Bataraza Palawan. Napinsala ang naturang sasakyan at nagkaroon ng kaswalti na ayon sa mga nakasaksi ay may isang patay at isang sugatan subalit pilalabas ng WESCOM na isang sugatan lamang diumano ang tinamo ng mga sundalo.

Isinagawa ang sapper operation na ito upang parusahan ang mga marines na mula pa noong Hunyo ay patuloy sa paglulunsad ng combat at civil military operation sa bayan ng Brookes Point at Bataraza na nakalikha ng mga dislokasyon at takot sa mga katutubong Palaw’n.

Samantalang kanina lamang bandang 7:30 ng umaga ay isang sparrow operation naman ang isinagawa Virginia Casidsid Command (VCC-NPA North-Palawan) sa mga tauhan din ng 4th MBLT sa Barangay Magara, Roxas Palawan na nagresulta naman sa pagkapaslang kina Sgt. James Melchor at isang Sgt. Galiste.

Ang mga aksyong ito ng mga yunit ng NPA sa ilalim ng Bienvenido Vallever Command ay tugon sa panawagan ng mga taong bayan na naging biktima ng kanilang mga operasyon militar sa buong lalawigan mula pa noong Hunyo 2017 sa ilalim ng Oplan Kapayaan ng rehimeng US-Duterte. Kung matatandaan, ang mga bayan ng Bataraza, Brookes Point sa South at Taytay, Coron naman sa North ay priority target ng Oplan Kapayapaan dahil sa mga lugar ding ito nakapukos ang mga proyekto ng gubyerno at mga dayuhang malalaking korporasyon na naging banta sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan.

Sa mga tagumpay na ito, malaki ang naging partisipasyon ng mga mamamayan na patuloy sa walang sawang pagsuporta tulad ng pagbibigay ng ma impormasyon, pinansya at lohistika upang maisagawa ang mga pamamarusa sa kaaway ng masa.

Mabuhay ang Sambayanang Palaweñong patuloy na nakikibaka para sa tunay na kalayaan at kapayapaan!
Mabuhay ang Sambayang Pilipino!
Mabuhay ang CPP/NPA/NDFP!
Mabuhay Rebolusyon!

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.