NPA-Abra propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Apr 3): Mensahe ng Agustin Begnalen Command NPA Abra para sa maika- 48 na anibersaryo ng pagkakatatag ng New People’s Army
Ka Diego Wadagan, Spokesperson
NPA-Abra (Agustin Begnalen Command
3 April 2017
Nakikiisa ang New People’s Army- Agustin Begnalen Command sa buong rebolusyonaryong kilusan sa pagdiriwang ng ika-48 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan.
Sa ilang dekada ng rebolusyonaryong kilusan, napatunayan na tanging sa pagsusulong lang ng digmang bayan makakamit ng mamamayan ang mga karapatang ipinagkakait sa kanila. Patuloy ang pag-unlad at pag-abante ang pambansa demokrtikong rebolusyon habang patuloy na tumitindi ang krisis at kahirapan na nararanasan ng mamamayan.
Ang Cordillera ay isang rehiyon na paborable para sa pagsusulong ng digmang bayan. Malawak ang kabundukan at kagubatan nito na mahalaga sa pakikidigmang gerilya. At higit sa lahat ay makikita rin dito ang malawak na hanay ng pambansang minorya na patuloy na dumaranas ng pagsasamantala at pangaapi. Ipinagkakait sa kanila ang lupaing ninuno at ang yaman nito, na sila naman ang pangunahing nagpaunlad. Isinasangkalan ang kanilang kabuhayan para sa mga proyektong ang mga naghaharing uri lang naman ang gumaganansya. Sa kabila nito, isa rin sila sa pinakanapagkakaitan ng mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at kalusugan.
Dito sa ating probinsya, matinding krisis at kakulangan sa pagkain pa rin ang nararanasan dahil sa kawalan o kakulangan sa lupang masasaka at atrasadong kalagayan ng pagsasaka. Sa halip na irigasyon at mga kagamitang pansaka ang ibinibigay ng gobyerno, lalo lang silang hinuhuthutan ganansya sa pamamagitan ng mga komersyal na abono, binhi at pestisidyo. Laganap rin ang mga proyekto tulad ng logging at minahan na pag-aari ng mga negosyante at gobyerno na nagnanakaw at sumisira sa ansestral na lupa at kagubatan. Pinatunayan rin ng karanasan sa kampanya laban sa CRC at mga minahan na kinakaya nating depensahan ang lupa at kabuhayan sa mahigpit na pagkakaisa ng tribong Tingguian kasama na ang iba’t ibang sektor ng lipunan.
Nakikiisa ang yunit sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan. Ang paguusap sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms o CASER ay magtatalakay ng mga hakbang para resolbahin ang problemang pangekonomya ng mamayan tulad ng usapin sa pamamahagi ng lupa at karapatan ng mga pambansang minorya para sa sariling pagpapasya. Ang ating lakas upang igiit ang interes ng mamayan sa usapang ito ay nakabatay sa ating rebolusyonaryong lakas. Bilang pakikiisa rito, gagawin ng buong yunit ng Bagong Hukbong Bayan ang lahat para isulong ang digmang bayan sa probinsya at magaambag sa pag-igpaw ng ating rehiyon.
Pamumunuan ang maraming mga kampanyang agraryong rebolusyon at magkakamit ng mga tagumpay sa pakikibakang masa.
Magpapalawak ng mga pormasyon ng hukbo at bubuuin ang marami pang mga platun. Patataasin ang antas ng kakayahan ng mga milisyang bayan at magpapalawak ng mga depensa sa baryo.
Pasisiglahin at kakamtin ang mas marami pang tagumpay sa mga taktikal na opensiba. Patuloy na magpapahusay sa mga taktika at statehiya para makasuntok ng mas malakas sa kaaway.
Ang lahat ng ito ay para sa pagpapamalas ng papalawak at papalakas na pulang kapangyarihan at para sa pagkakamit ng mas malaya at mas makatarungang lipunan.
UMIGPAW SA PAGSULONG NG DIGMANG BAYAN!
IPAGBUNYI ANG 48 NA TAON NG KABAYANIHAN NG TUNAY NA SUNDALO NG SAMBAYANAN ANG NEW PEOPLE’S ARMY!
https://www.philippinerevolution.info/statements/20170403-mensahe-ng-agustin-begnalen-command-npa-abra-para-sa-maika-48-na-anibersaryo-ng-pagkakatata
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.