Sunday, April 23, 2017

CPP/Ang Bayan: Serye ng mga atritibong opensiba sa Northern Samar

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Apr 21): Serye ng mga atritibong opensiba sa Northern Samar

APAT NA ATRITIBONG operasyon ang inilunsad ng mga Pulang mandirigma sa Las Navas, Northern Samar mula katapusan ng Marso.

 Noong Marso 30, inisnayp at nasugatan ng BHB ang isang elemento ng 43rd IB na naglulunsad ng operasyong saywar na “Community Support Program” ng Oplan Kapayapaan sa Brgy. San Miguel.

Marso 31, bandang alas-7 ng gabi, inisnayp ng mga Pulang mandirigma ang nag-ooperasyong 16 na elemento ng 43rd IB sa Brgy. San Isidro. Dahil sa matinding demoralisasyon, sumakay kaagad ang mga sundalo sa bangka at umalis nang alas-8 ng gabi ring iyon. Abril 6, alas-10 ng umaga, hinaras ng mga Pulang mandirigma ang 28 elemento ng 43rd IB sa Brgy. Poponton na nag-ooperasyon mula pa Abril 4. Dahil dito, umatras ang mga sundalo at hindi nagpatuloy ng operasyon pagkatapos sunduin ng helikopter ang kanilang mga kaswalti. Noon namang Abril 8, pinaputukan ng milisyang bayan ng “doble zero” (yaring-bahay na de-sabog) ang nag-ooperasyong mahigit 30 na sundalo mula sa Brgy. El Empon patungong Brgy. Poponton. Napilitang umatras ang mga sundalo dahil sa mga sugatan nila. Dahil sa sobrang takot, nagkampo at hindi naglalabasan hanggang sa ngayon ang mahigit 140 sundalo ng 43rd IB sa Brgy. El Empon at Brgy. Paco. Sa desperasyon, ibinaling ng mga pwersa ng 43rd IB ang pasistang galit laban sa mga lokal na residente. Nagbanta ang mga sundalo na babarilin ang sinumang lalaki na makikita nila na nasa labas ng baryo.

[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/2017april21-serye-ng-mga-atritibong-opensiba-sa-northern-samar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.