New People's Army propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 12): Reyd ng NPA sa police station ng Malibcong, Abra, matagumpay
Martin Montana, Spokesperson
NPA-Ilocos Region (Region I)
13 March 2017
Binabati ng Chadli Molintas Command (CMC) ang mga Pulang kumander at mandirigma ng Agustin Begnalen Command ng NPA-Abra sa matagumpay na reyd sa Malibcong Police Station na isinagawa 7:30 ng gabi noong March 12, 2017. Tumagal ng isang oras ang kontrol ng NPA sa police station kung saan nakumpiska ang 10 baril na kinabibilangan ng anim (6) na M16, isang (1) M203, dalawang (2) 9mm at isang (1) .45 na pistola.
Nasamsam din ang maraming bala, magasin, dalawang (2) rifle grenades, ammo vests at mga uniporme. Ligtas na nakaatras ang yunit ng BHB pagkatapos ng operasyon.
Ang pagsalakay sa Malibcong Police Station ay pagtalima sa atas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at ng National Operational Command (NOC) ng BHB na magsagawa ng mga taktikal na opensiba laban sa armadong pwersa ng reaksyonaryong estado, ipagtanggol ang kapakanan ng mamamayan at isulong ang kanilang mga interes laluna sa harap ng deklarasyon ng all-out war ng rehimeng Duterte laban sa rebolusyonaryong kilusan. Pagtugon din ito ng yunit ng BHB sa maraming reklamo ng mga residente sa Malibcong hinggil sa mga paglabag ng mga pulis sa kanilang karapatan habang ipinapatupad ang Oplan Tokhang at ang kawalang-respeto sa katutubong istrukturang sosyo-politikal.
Para sa mayorya ng mga mamamayan ng Malibcong, hindi nila makakalimutan ang makasaysayang pinapel ng lokal na istasyon ng kapulisan na masugid na nagtanggol sa interes ng warlords at Cellophil Resources Corporation na nang-api, nandambong ng kanilang likas na yaman, nangamkam ng kanilang lupaing ninuno, at walang pakundangang lumabag sa kanilang mga karapatan mula noon hanggang ngayon. Hindi lang sa Malibcong, kundi sa halos sa lahat ng bayan ng Abra ay ganito ang papel ng kapulisan.
Pumasok sa unilateral na tigil-putukan ang rebolusyonaryong kilusan na tumagal ng mahigit limang buwan dahil tapat itong mabigyan ng pagkakataon na mapag-usapan ang ugat ng gera sibil sa usapang pangkayapaan. Sa loob ng panahong ito, walang humpay ang opensibang operasyon ng AFP at kapulisan laban sa rebolusyonaryong pwersa at mamamayan sa ngalan ng mga huwad na Development and Support Services Program, kampanyang kontra-droga at kontra-kriminalidad. Samantala, tuloy-tuloy na tumitindi ang pagsasamantala at pang-aapi ng naghaharing uri sa mga mamamayan. Dahil nagtimpi at umiwas ang BHB na malabag ang deklarasyon sa tigil-putukan, hindi nito epektibong na ipagtanggol ang mamamayan. Kaya, mahigpit na tumutugon ang CMC sa pasya ng pambansang pamunuan ng CPP-NPA na tapusin ang unilateral na deklarasyon ng tigil-putukan.
Habang ang buong rebolusyonaryong pwersa at mga masa ng Cordillera ay nag-aantabay sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa susunod na buwan, lagi kaming nakahandang harapin at biguin ang anumang kontra-rebolusyonaryong pakana at panunupil ng rehimeng Duterte dito sa Cordillera habang tuso nitong itinutulak ang mga kontra-mamamayan at maka-dayuhang programa at proyekto.
Habang ang mga batayang problema ng mamamayang Pilipino at ang pambansang pang-aapi laban sa mga katutubo ng Cordillera ay hindi tunay na nalulutas, ang rebolusyonaryong hukbo ay hindi magluluwag sa paghawak sa kanyang sentral na tungkulin sa unti-unting pagdurog sa armadong haligi ng pampulitikang kapangyarihan ng bulok na sistemang malakolonyal at malapyudal. Sa pamumuno ng PKP, determinado itong lubusin ang pagwawasto upang pasiglahin ang mga taktikal na opensiba, isulong ang agraryong rebolusyon at ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Cordillera para palawakin at palakasin ang tunay na rebolusyonaryong awtonomong gobyerno ng Cordillera sa balangkas ng pambansang demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.