Wednesday, March 22, 2017

CPP/NPA-NCMR: Sunod-sunod na aksyong militar ang sagot ng NPA-NCMR sa todong gera ni Duterte Laban sa Rebolusyonaryong Kilusan

New People's Army propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 21): Sunod-sunod na aksyong militar ang sagot ng NPA-NCMR sa todong gera ni Duterte Laban sa Rebolusyonaryong Kilusan (Successive NPA-NCMR military actions against Duterte's total war against the Revolutionary Movement).

Allan Juanito, Spokesperson
NPA-North Central Mindanao

21 March 2017

DALAWAMPU’T WALONG aksyong militar ang inilunsad ng New People’s Army ng North Central Mindanao Region mula Enero 30 hanggang Marso 20 ngayong taon bilang sagot sa todong gera ni Pres. Duterte laban sa rebolusyonaryong kilusan. Labing siyam ang naitalang napatay at mahigit 20 ang sugatan sa reaksyunaryong AFP at nadakip si PO2 Jerome Anthony Natividad sa inilunsad na isang checkpoint. Mayroon ding inilunsad na mga aksyong punitibo laban sa mga multinasyunal na korporasyon.

Ang sumusunod ay detalye ng nasabing mga aksyong militar:

1. Enero 30, 2017 – isang harassment ang inilunsad ng NPA-South Central Bukidnon (SCB) Sub-Regional Command laban sa isang iskwad na tropa ng 8th IB na naglunsad ng operasyong saywar sa Brgy. Concepcion, Valencia City.

Nakapaglunsad din ng aksyong punitibo sa isang mapagsamantalang panginoong maylupa-kumersyante-usurero sa pamamagitan ng pagsira sa pinagmamay-ari nitong buldoser sa Libertad, Quezon, Bukidnon.

2. Pebrero 1, 2017 – Nabaril-patay ng isang iskwad ng NPA-SCB ang tatlong elemento ng tropa ng 8th IB na naglunsad ng operasyong saykolohikal sa Sityo Kalib, Brgy. Kibalabag, Malaybalay City. Matagal nang nananatili ang nasabing tropa ng kaaway sa magkaratig barangay ng Kibalabag at Manalog na lantarang nakalabag sa CARHRIHL at nakalabag din sa kanilang idineklarang unilateral ceasefire. Marami ring kaso ng pang-aabuso ang ipinaabot na reklamo ng mga naninirahan dito. Aarestuhin sana ng operating unit ng NPA sina Sgt. Yee, Cpl. Talabor at PFC Pat O. Non upang papanagutin sa mga nabanggit na kasalanan subalit sila’y nanlaban. Nakuha mula sa kanila ang tatlong kalibre .45 pistola. Sa araw ding ito, isang aksyong militar na naman ang inilunsad ng isang iskwad ng NPA- Mt. Kitanglad Sub-Regional Command sa pamamagitan ng pagparalisa sa isang buldoser na pagmamay-ari ng isang Multi-National Corporation(MNC) na Dole Itucho sa Lantay, Pangantucan, Bukidnon.

3. Pebrero 3, 2017- Nakakumpiska ng isang .45 pistola, isang 9mm Beretta na pistola at isang shotgun ang isang iskwad ng NPA-SCB mula sa kilabot na drug user ng Quezon, Bukidnon. Ang nasabing mga baril ginamit sa pananakot ng mga residente kapag na-high na ito sa droga. Mahigpit itong binalaan ng BHB na itigil ang pananakot sa mga sibilyan at ang kaniyang masamang bisyo.

4. Pebrero 9, 2017- isang multi-platung pwersa ang naglunsad ng tatlong aksyong militar ng pag-reyd, pagtsekpoynt at pagpataw ng aksyong punitibo ang inilunsad ng NPA-Mt. Kitanglad Sub-Regional Command sa Purok 3, ng Ticalaan, at Km 28, Dominorog parehong saklaw ng Talakag, Bukidnon. Nadakip sa tsekpoynt si PO2 Jerome Anthony Natividad mula sa Kalilangan, Bukidnon Municipal Police Station samantalang naparusahan si Lito Atoy, isang bandido na may kriminal na gawain sa mamamayan. Sa kabuuan, sampu ang nakumpiskang samut-saring kalibreng baril tulad ng isang M16, isang carbine, apat na .45 pistola, isang Glock 9mm pistola at tatlong shotgun. Naparalisa sa nasabing aksyong punitibo ang isang buldoser, isang backhoe, isang transit mixer, isang generator set at isang pison na pagmamay-ari ng Mindanao Rock Corporation.

5. Pebrero 13, 2017 – Mga alas kwatro kwarenta ng hapon hinaras ng isang tim sa ilalim ng NPA-EMONEB ang tropa ng 58th IB at ng binubuhay nitong mga bandidong Alimaong na nakahimpil sa isang tradisyunal na bahay-tiponan (tulugan) ng Lumad. Nagresulta ito sa pagkapatay ng apat na pwersa ng kaaway at di tiyak na dami ng sugatan samantalang walang galos sa panig ng BHB.

6. Pebrero 14, 2017 – Pinagbabaril ng isang iskwad sa ilaim ng NPA-EMONEB ang CAFGU detatsment ng Sityo Palo, Brgy. Hindangon, Gingoog City. Umabot ng pitong minuto ang ginawang pagpapaputok ng pwersa ng BHB mula 11:53 hanggang alas dose ng gabi. Tatlo ang patay at lima ang sugatan sa kaaway samantalang ligtas na nakalayo ang BHB na kubli ang dilim ng gabi.

7. Pebrero 17, 2017- bandang ala-una ng hapon, hinaras ng isang iskwad ng NPA-SCB ang nag-operasyong kumpanya ng 8th IB sa Kulisaan Creek, Sityo Mahan-aw, Brgy. Bolonay na nasasaklaw ng Impasug-ong, Bukidnon. Dalawa ang napatay at dalawa rin ang nasugatan sa mga reaksyunaryong sundalo.

8. Pebrero 18, 2017 – bandang 6:30 ng hapon, dalawa ang sugatan sa isinagawang harassment ng isang tim sa ilalim ng NPA-SCB laban sa nag-ooperasyong tropa ng 8th IB sa Sityo Magawa, Brgy. Bolonay, Impasug-ong, Bukidnon.

9. Pebrero 21, 2017- bandang alas 6:30 ng umaga, naglunsad ng tsekpoynt ang isang yunit sa ilalim ng NPA-EMONEB Sub Regional Command sa Purok 4, Brgy. Pahindong, bayan ng Medina, Misamis Oriental.

10. Pebrero 23, 2017- hinaras ng isang tim sa ilalim ng NPA Western Agusan del Norte-Agusan del Sur (NPA-WANAS) Sub-regional Command ang tropa ng 23rd IB na naglunsad ng operasyong kombat sa Sityo Topside, Brgy. Mindulao, Magsaysay, Misamis Oriental. Dalawa ang sugatan sa tropa ng 23rd IB.

11. Pebrero 27, 2017—tatlong beses na hinaras ng isang tim ng NPA-EMONEB ang isang kolum na pinamumunuan ni 1st Lt. Tomaques ng 58th IB na naglunsad ng operasyong kombat sa Brgy. Kaulayanan, Sugbongcogon, Misamis Oriental. Nagsimula ang nasabing harassment sa may 6:45 ng umaga at nasundan pa ito ng dalawang ulit. Nagdulot ang lahat na aksyon na ito ng pagkasawi ng dalawang tropa ng kaaway, isa nito si PFC Oshin Rosala at sugatan ang apat na sina Pfc. Vincent Nino Lopez; Pfc. Marquin Variacion; Privates Regie Joy Duyan at Ramon Balibagon.

Sa petsa ring iyon, sinira bilang parusa ng NPA-SCB ang isang boom spray ng DAVCO Banana Plantation sa Brgy. Merangiran, Quezon, Bukidnon.

12. Pebrero 28, 2017—isang ambus ang inilunsad ng isang kumpanya sa ilalim ng NPA-EMONEB laban sa isang kolum ng 58th IB na naglunsad ng operasyong kombat sa magubat na bahagi ng Brgy. Kaulayanan, Sugbongcogon, Misamis Oriental. Tinayang umabot sa dalawang oras at kalahati ang sagupaan. Hindi nagtagumpay ang BHB sa paglipol ng kaaway at napilitan itong umatras dahil dumating ang reimporsment ng kaaway na jet fighter at nanghulog ng bomba. Sinabayan pa ito ng 105mm howitzer kanyon ng kaaway. Ang nabanggit na sagupaan nagresulta sa pagkasawi ng dalawang sundalo at pagkasugat ng apat. Sa panig ng BHB, nakatamo ng di malubhang sugat ang apat na Pulang mandirigma.

Isa ring aksyong militar ang inilunsad ng NPA-SCB sa Quezon, Bukidnon sa pamamagitan ng pagdis-arma kay Mayor Gregorio Lloren Gue. Nakumpiska mula sa kanya ang apat na handguns at dalawang armalite.

13. Marso 5, 2017– Dalawang magkasunod na harassment ang inilunsad ng isang tim ng BHB sa ilalim ng NPA-EMONEB laban sa isang kolum ng 58th IB na naglunsad ng operasyong kombat sa Sityo Pugahan, Brgy. Bunal, Salay, Misamis Oriental. Unang hinaras ang kolum ng kaaway bandang 8:45 ng umaga at naulit ito sa may 9:10 din ng umaga. Nagdulot ang lahat ng mga ito sa pagkasawi ng isa at pagkasugat sa tatlo sa panig ng kaaway samantalang walang galos sa panig ng BHB.

Samatala, isang yunit din ng NPA-EMONEB ang nagparalisa sa isang water tanker ng isang kontraktor ng Del Monte Philippines Inc. (DMPI) sa Brgy. San Juan, Balingasag, Misamis Oriental.

14. Marso 10, 2017- isang aksyong punitibo ang inilunsad ng isang yunit ng NPA-EMONEB laban sa plantasyon ng saging sa pamamagitan ng pagpuputol ng mga puno nito sa Brgy. Mat-i, Claveria, Misamis Oriental. Umaabot ng 6,000 puno o tatlong ektarya ang kanilang nasira.

15. Marso 18, 2017 – isang harasment ang inilunsad ng isang tim sa ilalim ng NPA-Mt. Kitanglad Sub-Regional Command laban sa naglunsad ng operasyong kombat na sakop ng 1st Special Forces Battalion sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Baylanan, Talakag, Bukidnon. Dalawa ang naiulat na patay sa panig ng kaaway samantalang walang galos sa panig ng BHB.

16. Marso 20, 2017 – Tatlong magkasabay na harasment ang inilunsad ng tatlong iskwad na kasapi ng NPA-EMONEB laban sa tatlong CAA patrol base sa ilalim ng 58th IB. Ang dalawang patrol base ay matatagpuan sa mga sityo ng Lantad at Kawali na parehong saklaw ng Brgy. Kibanban at ang ikatlo ay sa Brgy. Quezon. Parehong saklaw ang mga barangay na ng bayan ng Balingasag, Misamis Oriental. Sabay na inilunsad ang harasment sa may bandang alas singko ng umaga na umabot ng lima hanggang sampung minuto. Ligtas na nakalayo ang pwersa ng BHB samantalang hinihintay pa ang ulat mula sa larangan sa detalye ng pinsala sa panig ng kaaway.

Simula nang tapusin ang unilateral na pansamantalang tigil putukan noong Pebrero 10, 2017, 20 taktikal na opensiba ang inilunsad ng NPA-NCMR. Walo sa 28 na aksyon mula Enero 30 kabilang sa aktibong depensa ng NPA laban sa mga probokatibong aksyon ng tropa ng AFP/PNP/CAFGU panahon ng tigil putukan sa loob ng mga sonang gerilya ng rebolusyonaryong estado.

Kahit pinagmamayabang ni Pres. Duterte na pauulanan niya ng bomba ang NPA ilalim sa kaniyang todong gera, hindi nito natinag ang rehiyon na harapin ang nasabing hamon. Salamat sa mga masa na naging inspirasyon at nagsikap na suportahan ang kanilang hukbo upang ito’y magtagumpay.

https://www.philippinerevolution.info/statements/20170321-sunod-sunod-na-aksyong-militar-ang-sagot-ng-npa-ncmr-sa-todong-gera-ni-duterte-laban-sa-reb

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.