Norben Gruta Command NPA- West Camarines Sur
Nais ipabatid ng Bagong Hukbong Bayan –Norben Gruta Command, West Camarines Sur na wala itong kinalaman sa pagkakapaslang kay Corporal Fidel Peniano , Assistant Detachment Commander ng 22nd IB na naganap sa isang kasalan, bandang alas-8:00 ng gabi Nobyembre 15, 2016 sa Brgy. Baya, Ragay Camarines Sur. Kaugnay nito, dapat itong malalim na maimbestagahan para matukoy ang mga tunay na salarin. Mali na awtomatikong ituro sa Bagong Hukbong Bayan para mailihis ang imbestigasyon sa mga tunay na salarin. Lumalabas ngayon sa mga inisyal na impormasyong aming nakalap na may personal na nakatunggali ang Corporal sa mga kasamahan nito bago ang pangyayari na maaring naging dahilan na pagkakabaril sa kanya.
Ang naganap na pagbaril kay Corporal Fidel Peniano ay sa gitna ng nagaganap na pansamantalang tigil-putukan sa pagitan ng GPH at ng NDFP kaya nararapat lamang na mabigyan ng linaw ang pangyayari. Kaugnay nito, mariing ipinapahayag ng Bagong Hukbong Bayan ang mahigpit na pagtalima at pagtaguyod nito sa nagaganap na usapang pangkapapaan at ang kaakibat nitong pansamantalang tigil-putukan. Sang-ayon dito, mahigpit ang tagubilin sa lahat ng Yunit ng BHB na iwasan ang paglulunsad ng anumang taktikal na opensiba sa lahat ng naka unipormeng elemento ng reaksyunaryong armadong pwersa. Gayunman, magpapatuloy ang papel ng Bagong Hukbong Bayan para sa epektibong pag-ehersisyo ng Demokratikong Gubyernong Bayan sa katayuan nito bilang isang pwersang belligerent na may sariling pampulitikang otoridad sa saklaw na teritoryo. Ibig sabihin, patuloy na tutuparin ng BHB ang tungkulin nito sa pagpapanatili ng katahimikan at pagsugpo sa kriminalidad, at pagpapatupad ng rebolusyonaryong batas at hustisya sa mga base at sonang gerilya.
Matatag na itinataguyod ng lahat ng kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan at lahat ng pwersang rebolusyonaryo ang pansamantalang-tigil labanan para bigyang puwang at mahusay na klima ang nagaganap na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP . Sa kabila nito patuloy naman itong nilalabag ng reaksyunaryong pwersang AFP. Sa ilalim ng Oplan Bayanihan patuloy ito sa operasyong militar, operasyong saywar at paniktik. Walang habas at sustinido ang operasyon ng mga ito sa kanayunan at patuloy na nagkakampo ang mga pwersa ng 49thIB sa mga baryo at komunidad sa mga Bayan sa Unang Distrito ng Camarines Sur—sa Lupi , Ragay at Del Gallego.
Sa 3 barangay ng bayan ng Del Gallego, mula noong ikatlong-linggo ng Hunyo 2016 hanggang sa kasalukuyan ay pabalik-balik na nagkakampo ang mga elemento ng 49 th IB. Sa San Pablo, humimpil sa barangay hall ang 20 sundalo na pinamunuan ni Lt. Tapang at Cpl. Soriano. Ang napakaliit na populasyon sa barangay Pamplonahin, na may humigit-kumulang 30 bubong ay binabasehan ng 30 tauhan ng Philippine Army. Ayon sa mga residente ay halos hindi na sila makakilos dahil sa pakiramdam nila ay bantay-sarado sila. Sa Bagong Silang, sa tabing ng konstruksyon ng eskwelahan maliban sa pagkakampo sa mismong eskwelahan na nasa gitna ng mataong lugar, ay madalas ring pinatatawag, iniinteroga ang pinaghihinalaang nilang sumusuporta sa NPA at pinapipirma umano para linisin ang kanilang mga pangalan sa mga dokumentong di naman maintindihan ng masa kung anong nakasulat. Gayundin sa Ragay, sa Barangay Cabadisan, na may maliit na populasyon ay may aabutin ding 20 sundalo ang nakapakat. Humimpil sila sa bahay ng masa nang walang pahintulot. Sa Panaytayan Nuevo, Ragay at nakabase naman ang mga sundalo sa barangay health center at doon pa nag-iinuman na minsan sa kalasingan ay sila-sila ay nag-aaway. Sa Lupi, sa Bahi at Belwang naman ay nagtayo sila ng kampo samantalang sa Napolidan ay nagsasagawa sila ng pagsesensus sa lugar kasama ang DENR. Ang ganitong aktibidad ng AFP ay paglabag sa CARHRIHL, Geneva Convention at Ceasefire. Nagdudulot din ito ng takot at pagkabahala sa mga residente taliwas sa ipinapangako ng kasalukuyang rehimen na hakbangin para sa pagkakamit ng pangmatagalang kapayapaan.
Nanawagan kami sa Rehimeng Duterte, sa lokal na masmidya , sa mga taong simbahan at sa lahat ng mamamayang nagnanais na makamit ang pangmatagalang kapayapaan na paimbestigahan at tutulan ang mga nabanggit na paglabag na nagsasalaula at nananabotahe sa tigil-putukan at sa usapang pangkapayaapan.
Hinahamon namin ang AFP na itakwil ang maka-imperyalistang oryentasyon nito at seryosong suportahan at itaguyod ang Usapang Pangkapayapaan at Tigil-Putukan. Dapat din nilang igalang ang pagsisikap ang Panel ng GPH at NDFP na bumuo ng mga kasunduang lulutas sa usapin sa ekonomya, pampulitika at panlipunang ugat ng armadong tunggalin sa bansa. Dapat mabigyan ng laya at pagkakataon ang masang magsasaka, manggagawa at iba pang aping uri sa bansa na organisadong maiparating sa rehimeng Duterte ang kanilang lehitimong interes sa ekonomya na magiging sentro ngayon ng usapang pangkapayapaan. Ang pagpapatuloy na pananalakay ng reaksyunaryong armadong pwersa sa kanayunan ay malinaw na sagka sa pagkakamit ng inaasam na tunay at pangmatagalang kapayapaan na nakabatay sa katarungan.
Itigil ang militarisasyon sa kanayunan!
Itaguyod ang usapang pangkapayapaan at Tigil-Putukan!
Magpunyagi para sa isang Malaya , Demokratiko at Masaganang Pilipinas!
https://www.cpp.ph/pagkakapaslang-kay-corporal-fidel-penano-walang-kinalaman-ang-bhb/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.