From the Philippine Information Agency (Aug 28): Army, nakiisa sa “No Bio, No Boto” advocacy fun walk ng COMELEC sa Catanduanes (Army,joined the "No Bio, No Vote" COMELEC advocacy fun walk in Catanduanes)
CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur -- Nakiisa ang 83rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Catanduanes na pinamumunuan ni Lt. Col. Zacarias B Batalla sa inilunsad na Fun Walk ng COMELEC na pinamagatang “No Bio, No Boto” sa bayan ng Virac ng Lalawigan ng Catanduanes, Agosto 23.
Nag-umpisa ang nasabing aktibidad sa harap ng Catanduanes State University patungo sa Provincial Capitol ng Catanduanes at papunta sa Plaza Rizal ng Bayan ng Virac kung saan ngtapos ang aktibidad sa isang maikling programa at pagsayaw ng Zumba.
Samantala, dumalo din sa nasabing “Fun Walk” si Hon. Araceli B. Wong, Gobernador ng Lalawigan kasama si Mr. Uldarico Razal, OIC-DILG at ilan pang mga personalidad para magpakita ng suporta sa ginanap na aktibidad.
Kasunod nito, nagpaabot naman ng pasasalamat si Atty. Ma. Aurea C. Bo-Bunao, Provincial Election Supervisor ng COMELEC Catanduanes sa ipinakitang suporta ng Philippine Army sa programa ng kanilang ahensya.
Layunin ng nasabing aktibidad na mapataas ang antas ng kaalaman ng mga mamamayan ng Catanduanes para sa paparating na Pambansang Halalan ngayung 2016.
http://news.pia.gov.ph/article/view/771440722801/army-nakiisa-sa-no-bio-no-boto-advocacy-fun-walk-ng-comelec-sa-catanduanes
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.