NDFP National Democratic Front of the Philippines
Ma. LAYA GUERRERO
Tagapagsalita, Kabataang Makabayan
Tagapagsalita, Kabataang Makabayan
Mapulang pagbati para sa lahat ng mga mandirigma ng ating Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa pagdiriwang ngayong Marso 29 ng ika-46 na anibersaryo nito. Kaisa ng buong rebolusyonaryong mamamayan, pinagpupugayan ng KM ang magigiting na anak ng bayang kasapi ng BHB at mga martir ng sambayanan na nag-alay ng buhay para sa demokratikong rebolusyong bayan.
Napakamakahulugan ang pagdiriwang natin at panawagang paigtingin ang demokratikong rebolusyong bayan sa gitna ng papatinding krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino. Nasa pinakapaborableng sitwasyon para ibayong makapagpukaw ng mga kabataan at mamamayan para sa pangangailangan sa tunay na rebolusyonaryong pagbabago na makakamit lamang sa pamamagitan ng pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan na may sosyalistang perspektiba.
Binabayo sa kasalukuyan ang rehimeng US-Aquino ng matinding krisis sa pulitika matapos ang nalantad na direktang pananagutan ni Benigno Aquino III sa madugong operasyon sa Mamasapano, Maguindano noong Enero 25 sa dikta ng imperyalismong US. Ikinamatay ng halos 80 pulis ng SAF, mga mandirigma ng MILF at BIFF at sibilyan ang operasyon sa Mamasapano. Lumakas ang mga panawagan na panagutin si Aquino, ilantad ang pangingialam ng US sa operasyong ito at ang mismong pagsuway ni Aquino sa kanyang chain of command at pagbigay laya sa suspendidong si PNP Chief Purisima na makialam sa operasyon.
Hindi mapatahimik ni Aquino ng kanyang mga paliwanag at pagbubunton ng sisi kay SAF Dir. Napenas ang pamilya ng mga namatay na pulis ng SAF at nagpapatuloy sila sa paghingi ng katarungan.
Tinangkang linlangin ni Aquino ang mamamayan sa kanyang paghugas-kamay sa kanyang pananagutan sa operasyon Mamasapano at wala umanong kinalaman ang US sa operasyon ito.
Ginamit ni Aquino ang mga kaalyadong mambabatas upang suspindihin ang imbestigasyon na nagaganap sa Kongreso hinggil sa totoong pananagutan ng rehimeng Aquino sa Mamasapano. Habang sa imbestigasyon sa Senado, hindi maitatago ang pagkalantad sa publiko ng pasimunong papel ng mga opisyal-militar at mismo ng US sa Mamasapano batay sa mga testimonya ng mga opisyal ng PNP. Ang US ang nagbigay ng impormasyong paniktik sa gobyernong Aquino, at sa aktwal na labanan ay nakatugaygay ang drone ng US sa Mamasapano at nasa direktang command post ang mga opisyal-militar ng US kasama si Napenas at PNP. Pilit pa ring ipinagtatanggol ito ng mga alyado ni Aquino sa Senado na naayon diumano sa mga kasunduan at pagtutulungang militar sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Dapat ilantad ang militaristang paglulunsad ng rehimeng Aquino ng all-out war sa Maguindanao matapos ang operasyon Mamasapano bilang isa sa mga paraan ni Aquino upang ilihis ang galit ng mamamayan. Pinaiigting ng sobinistang giyera ni Aquino ang kampanyang anti-Moro, diskriminasyon, pang-aapi sa mga kababayang Moro at pagyurak sa kanilang karapatan sa pagpapasya-sa-sarili. Walang pakundangan ang opensibang militar at pagtambak ng militar sa mga komunidad sa Maguindanao, sa buong ARMM na nagdulot ng malawakang paglikas ng 130, 000 mamamayan sa ngayon.
Aabot sa isang milyong mamamayan ang apektado at lumikas sa Mindanao simula ng termino ni Aquino sa kanyang pagwawasiswas ng all-out war sa Zamboanga, Maguindanao at mga komunidad ng Moro, at Oplan Bayanihan laban sa mga rebolusyonaryong base ng Bagong Hukbong Bayan. Milyon-milyong pondo mula sa kabang-bayan ang nilulustay ni Aquino araw-araw para sa pagpapatupad ng tahasang militarista na patakarang todo-giyera sa ARMM at Mindanao.
Subalit hindi malilinlang ang mamamayan at lalo lamang lumalawak ang mga protestang bayan. Malakas na ipinanawagan sa mga inilunsad na serye ng mga protesta sa buong bansa mula Pebrero 25, Pebrero 27, Marso 8, Marso 13 at Marso 20 na nilahukan ng libo-libong mamamayan ang pagpapanagot sa papet, pahirap at korap na rehimeng US-Aquino.
Makatwirang ipanawagan ang pagbitiw ni Aquino sa pwesto dahil sa matibay na batayan ng pagkapapet nito sa imperyalismong US, sagad-sagaring pahirap sa mamamayan, mapanlinlang at pasista.
Para sa mga kabataan, walang maaliwalas na kinabukasan ang maasahan kung nasa ilalim ng buktot na rehimeng US-Aquino na pinaghaharian ng iilang naghaharing-uri. Milyon-milyong kabataang Pilipino ang hindi makapag-aral at walang trabaho, samantalang ang ilang nakakapag-aaral ay pinapasakitan ng napakamahal na singil sa matrikula at mga bayarin dulot ng patakarang deregulasyon at komersyalisayon ng edukasyon sa ilalim ni Aquino. Ipinatutupad din ni Aquino ang makadayuhang programang K-12 na maghuhubog ng murang-lakas paggawa, pahirap sa mga kabataan at kanilang naghihirap na pamilya.
Mahaba ang listahan ng kasalanan ng rehimeng US-Aquino sa mamamayan sa pagpapatupad nito ng mga neoliberal na patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon sa dikta ng imperyalistang US. Tahasang isinuko ni Aquino ang pambansang soberanya sa pakikipagkasundo sa US at pirmahan ang Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nagbibigay pahintulot sa muling pagtatayo ng mga base-militar ng US sa ating bansa. Imbes na panagutin ang US, maamong tupa ang rehimen sa mga kaso ng paglabag ng tropang Amerikano kabilang ang mga krimen nila sa ating mamamayan tulad ng pagpatay kay Laude, pagtatapon ng nakalalasong kemikal sa ating karagatan at pagsira sa ating likas-yaman.
Tanging malalaking korporasyon at negosyo ng mga kaibigan at kapamilya ni Aquino ang nakikinabang sa mga proyektong Private Public Partnership, at mga kurakot na alyado ang nagbubulsa ng kalakhan ng pera ng taong-bayan na inilalagak sa hungkag na programang Conditional Cash Transfer ni Aquino.
Tumindi pa ang pangangamkam ng lupa sa mga magsasaka at pinanatili ang mga hasyenda tulad ng Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya Aquino. Laganap ang kawalang-trabaho, kontraktwalisasyon, samantalang napakababa ng sahod at bingi-bingihan si Aquino sa panawagang pambansang P16, 000 minimum na sahod para sa mga mangagawa. Dahil sa kawalang trabaho sa bansa at atrasadong ekonomiya halos 5, 000 araw-araw ang napipilitang mangibang-bayan at magtrabaho sa napakahirap na kondisyon sa ibayong-dagat.
Patuloy na binubusabos ng rehimeng Aquino ang kalagayan ng mamamayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at bilihin, pagtaas ng pamasahe sa metro-tren, pagtaas ng bayarin sa tubig at kuryente, at patuloy na pagpapabaya at paniningil ng bayarin sa mga serbisyong publiko tulad ng edukasyon at kalusugan at malawakang demolisyon sa maralitang lungsod. Binusabos at kriminal na nagpabaya ang rehimeng Aquino sa milyong mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyong Yolanda, Sendong at Pablo.
Pinatindi ng rehimeng Aquino ang krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan at wala sa hinagap nito ang pagresolba sa malaganap na kahirapan, kawalang-industriya at pagkabansot at krisis sa agrikultura. Inilunsad ni Aquino ang pasistang Oplan Bayanihan, ang kontra-rebolusyonaryong programa nito halaw sa US COIN Guide (counter-insurgency guide ng US) na nagdulot ng malawak na paglabag sa karapatang-pantao, pagpaslang, pandurukot, militarisasyon sa kanayunan, at sapilitang pagpalikas sa mamamayan sa kanilang mga komunidad. Aroganteng inihinto ni Aquino sa usapang-pangkapayapaan ng gobyernong Aquino sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), nilabag ang mga kasunduan tulad ng Joint Agreement on Immunity Guarantees (JASIG) na nagpruprotekta dapat sa mga kalahok sa usapang-pangkapayapaan at ikinulong ang maraming konsultant ng NDFP.
Makatwiran lamang na tumindig ang kabataan at mamamayang Pilipino sa harap ng bulok na lipunang ito na pinaghaharian ng malalaking komprador sa negosyo, panginoong-maylupa at ipinagtatanggol ng mga nasa burukrasya sa pangunguna ng rehimeng Aquino. Pinananatili ng imperyalismong US ang ganitong kalagayan ng lipunan para sa kanyang sariling pakinabang.
Pinatunayan ng ating kasaysayan na ang kinamumuhiang mga rehimen ay maaring pabagsakin kung magkakaisa ang malawak na hanay ng mamamayan. Kailangang palakasin at palawakin ang mga protesta at pakikibakang bayan upang yanigin ang naghaharing rehimeng Aquino at patalsikin sa pamamagitan ng pag-aalsang bayan.
Higit ang pakinabang ng kabataan at mamamayan kung susuungin ang paglaban sa anti-mamamayang rehimeng US-Aquino. Tungkulin ng mga progresibo at rebolusyonaryong organisasyon ng kabataan at mamamayan na pangunahan at pagkaisahin ang malawak na hanay ng mamamayang anti-Aquino at pakilusin sila para sa mga protestang bayan upang pwersahing magbitiw ang rehimeng US-Aquino. Kailangang pang higit na paramihin ang mga kilos-protesta, pasaklawin, palakihin at paigtingin.
Tungkulin nating tunggaliin ang reaksyunaryong propaganda na “lipas na ang People Power” , o ang nakakubling pesimismo sa pagsasabing “wala namang mababago” o sa pagtinging “ang papalit ay mas masahol”. Ngunit ang karamihan sa mga nagtatanong kung ano ang papalit sa patatalsiking rehimen ay hindi lahat reaksyunaryo o pesimista. Karamihan ay handang kumilos, handang makibaka at naghahangad ng tunay na pagbabago. Tungkulin nating abutin sila at ipamulat sa pinakamarami na ang paghahangad ng mamamayan sa tunay na pagbabago ay hindi nagtatapos sa pagpapatalsik sa kinamumuhian rehimeng Aquino at dapat na maging mapagbantay ang mamamayan.
Kasabay ng panawagang pagpapatalsik, kailangang maipanawagan ang lehitimong kahingian ng bayan na kapakipakinabang sa mamamayan para maibsan ang labis na kahirapan at krisis na nararanasan. Dapat matiyagang ipaliwanag sa mga kabataan at mamamayan na ang pagpapalit ng transisyong konseho ng mamamayan sa mapapatalsik na rehimen ay aanakin lamang ng ating paglaban. Sa paglakas ng kilusang masa para sa pagpapatalsik ay lumalakas din ang mga demokratikong panawagan ng mamamayan.
Ang mga progresibong organisasyon ng kabataan at buong pambansa demokratikong kilusan, kasama ang malawak na mamamayang Pilipino ay nag-iipon ng lakas at natututo sa praktikal na karanasan mula sa pagpapatalsik ng mga anti-mamamayang rehimen tulad ni Aquino. Nayayanig ang pundasyon ng bulok na sistemang pinagtitibay ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo.
Sa kanayunan, nanduon at pinakamaigting ang paglaban ng kabataan at mamamayan sa pamamagitan ng armadong pakikibaka na inilulunsad ng Bagong Hukbong Bayan sa patnubay ng Partido Komunista ng Pilipinas. Pinapahina ng armadong pakikibaka ang militar na pasistang makinarya ng estado, hanggang kayanin na ng armadong mamamayan na pabagsakin ang buong bulok na sistema.
Sa pamamagitan ng BHB at mga rebolusyonaryong organisasyong masa inilulunsad ang rebolusyong agraryo at nagsasagawa ng mga kampanya para sa pakinabang ng mga magsasaka na kasabay na nagpapahina ng kapangyarihan ng panginoong-maylupa.
Sa mga rebolusyonaryong base, naglulunsad ng mga pang-ekonomiya, pulitikal at pangkulturang mga programa para sa mamamayan. Unti-unti at papalawak nabubuo ang binhi ng demokratikong gobyernong bayan pinapatnubayan ng programa para sa tunay na pakinabang ng mamamayan at namamayani ang demokrasya.
Tanging sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, kasama ang hukbo ng mamamayan, ang BHB at ang NDFP titiyaking mapapabagsak ng mamamayang Pilipino ang bulok na naghaharing sistema at itatayo ang tunay na gobyerno ng mamamayan. Ito ay magtitiyak ng tunay na kalayaan sa imperyalismong US, programa para sa tunay na industriyalisasyon at pag-unlad ng agrikultura, paglaya ng mga magsasaka sa pagsasamantala, pagpatupad ng mga programa sa ekonmiya, kultura, militar at pulitika sa ultimong interes ng mamamayan tungo sa sosyalistang hinaharap.
Walang maaliwalas na kinabukasan ang naghihintay para sa kabataang Pilipino kundi sa paglaban para sa tunay na pagbabago. Lagi’t lagi sa kasaysayan, ang kabataang Pilipino ay dapat tumitindig at may tungkulin ginagampanan sa paglaya ng sambayanan sa anumang pang-aapi. Lagi’t lagi may pinakamahusay at pinakamalakas na taon ang kabataan na dapat iaalay sa paglilingkod sa sambayanan.
Kabataang Pilipino, tumindig kasama ng sambayan at ibagsak ang bulok na naghaharing sistema!
Mabuhay ang ika-46 anibersaryo ng New People’s Army! Mabuhay ang CPP-NPA-NDF!
Kabataang Pilipino, paglingkuran ang sambayanan!
Tumungo sa kanayunan, Sumapi sa New Peoples Army!
Ibagsak ang bulok na sistema at paghahari ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo!
Ibagsak ang korap, papet, anti-mamamayan at pasistang rehimeng US-Aquino!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20150329_kabataang-pilipino-tumindig-laban-sa-bulok-na-naghaharing-sistema-sa-ilalim-ng-rehimeng-us-aquino

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.