Wednesday, February 18, 2015

56IB, nagdaos ng service caravan sa tatlong barangay ng Maria Aurora

From the Philippine Information Agency (Feb 18): 56IB, nagdaos ng service caravan sa tatlong barangay ng Maria Aurora

Daan-daang residente ng tatlong barangay sa Maria Aurora ang nakinabang sa idinaos na service caravan ng 56th Infantry Battalion (56IB) ng Philippine Army.

Ayon kay 56IB Commander Lt. Joey Escanillas, nakapagbigay sila ng libreng gupit at serbisyong medikal at dental sa mga residente ng Dianawan, Punglo, at Bazal.

Hangad aniya nito na mailapit ang kalooban ng mga mamamayan sa mga sundalo lalo na sa mga naninirahan sa mga malalayong lugar para sa pangmatagalang katahimikan.

Tiniyak rin ni Escanillas na magdaraos sila ng kahalintulad na aktibidad sa iba pang bayan sa Aurora.

http://news.pia.gov.ph/article/view/611423813872/56ib-nagdaos-ng-service-caravan-sa-tatlong-barangay-ng-maria-aurora

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.