Tuesday, August 12, 2014

Mining firm pinasabugan

From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Aug 12): Mining firm pinasabugan

Pinasabugan ng di-kilalang salarin ang tanggapan ng Kiamba Mining Company sa bayan ng Kiamba sa Sarangani province, ngunit wala naman inulat na sugatan o nasawi sa nasabing atake.

Ayon sa pulisya, naganap ang pagsabog gabi ng Lunes, subali't hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod nito o ang motibo.

Hindi rin masabi ng militar kung may kinalaman ang New People's Army sa naturang pagsabog, ngunit inaayawan umano ng mga residente ang operasyon ng kumpanya.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente. Walang ibinigay na pahayag ang kumpanya sa naganap na atake.

Nangangamba naman ang ilang sektor sa naganap at baka umano'y maulit pa ito kung kaya't naghigpit ang pulisya ng siguridad nito sa nasabing bayan at naglabay ng checkpoint sa ibat-ibang lugar doon.

http://www.mindanaoexaminer.net/2014/08/mining-firm-pinasabugan.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.