Maria Roja Banua
Spokesperson
NDFP Bicol Chapter
Spokesperson
NDFP Bicol Chapter
Ipinagmamayabang ng 9th Infantry Division sa pamumuno ni Major General Yerson Depayso ang pagkakakaroon daw ng best brigade award ang 903rd Infantry Brigade sa lahat ng mga brigada sa kabuuang mersenaryong AFP ngayong 2014. Nakamit ang mga award, promosyon at 2.5 milyong reward dahil sa pagkapatay daw sa isang Ka Cenon na BRPC member, pagkamartir ng dating tagapagsalita ng NDF Ka Greg Banares at pagkamatay ilang opisyal ng New People’s Army (NPA) sa tatlong (3) magkakasunod na labanan noong taong 2013-2014. Pagkakahuli daw ng iba pang mataas na opisyal ng NPA at ng bagong tagapagsalita na si Maria Roja Banua sa isang labanan sa Matnog, Sorsogon.
Malaking bahagi nito ay nilubid na kasinungalingan dahil ang bawat labanan na sinasabing “engkwentro” ay mga operasyon kubkob na dumadamay ng sibilyan at bumabalga sa batas-protocol sa digmaan. Ilan dito ay ang istatus ng pagiging hors de combat ng mag-asawang Greg Banares at Christine Puche, paglalagay ng maling identidad kay Ka Maria Roja Banua at gawa-gawang pagkamatay ni Ka Cenon sa labanan.
Sapilitang pang pinapapirma si Baranggay Captain Eddie Albor ng baranggay Cococabitan, Bulan, Sorsogon kapalit ng pagpapalaya sa kanya matapos itong dukutin. Di pa nakuntento nilagyan pa ng higit na matataas na ranggo ang mga martir na NPA para labasin na natapos na nila ang pamunuan ng NPA at makuha ang award sa tatlong (3) magkakasunod na labanan sa probinsya ng Sorsogon.
Sa Operasyon Musang 2014 ng 9th Infantry Division at 5th Scout Ranger Company sa ilalim ng Oplan Bayanihan ng rehimeng US-Benigno Simeon Aquino (US-BSA) ay lansakang paglabag sa karapatang pantao ang isinasagawa na bahagi ng kairalan ng pagiging mersenaryo at anti-mamamayan. Sinasaklaw ng Operasyon Musang ang tatlong probinsya ng Masbate, Sorsogon at Albay.
Sa Albay sa ilalim ng kampanya ng 0% insurgency campaign ni Governor Salceda at ng 9th ID PA inarmasan ng kalibre 45 bilang bahagi ng armadong tropa ang mga brgy captain. Kaalinsabay nito, Isinagawa ang serye ng pananakot, pambubugbog, panggigipit (8) at pamamaslang (1) sa mamamayang Albayano maliban pa sa maraming kaso di naitala na panghaharas sa tukoy na kapamilya ng NPA sa panahon ng kanilang paglulunsad ng mga CMO at operasyong militar.
Sa Sorsogon at Masbate pagpasok pa lamang ng taong 2014 naitala na ang maraming kaso ng pagpatay at paglabag sa karapatang pantao sa mga naunang nang inilabas na pahayag ng Celso Minguez Command, Jose Rapsing Command at ng National Democratic Front-Bicol.
Hindi kayang linisin ang duguang kamay ng 9th Infantry Division, Philippine Army sampu ng kanyang 3 undersize Brigada at 6-7 Batalyon kasama na ang 5th Scout Ranger Company na nagpapatupad ng Oplan Bayanihan ng rehimeng US-BSA. Hungkag ang mga bihis na programa ng CMO sa tulong ng ilang media consultant sa propaganda ng mga Civilian Military Operation na pinatampok na Youth Leadership Seminar (YLS), Outreach Program sa Orphanage, Bayanihan Forum sa Kabihug, Integrated Skills and Livelihood Training (i-SALT), Medical Mission, Operation Tuli, Brigada Eskwela at iba pang pakulo.
Mabubulunan si Major General Yerson Depayso sa kapangangalandakan na ang kanyang buong tropa sa Division ay mahigpit na nagtataguyod ng pagkilala sa karapatang pantao sa dineklarang na pagdiriwang ng Dibisyon sa Araw ng Pandaigdigang Batas sa Karapatang Pantao nitong Agosto 2014.
Nananawagan ang National Democratic Front (NDF-Bicol) sa mga ilang indibidwal na taga-midya, doktor, ahensya at yunit sibilyan ng gobyerno na huwag maging bahagi ng mga operasyon sa kontra-insurhensya at panatilihin ang pagiging opisinang sibilyan-pribado. Nawawala ang malayang pakikipag-ugnayan ninyo sa mamamayan dahil sa presenya ng unipormadong berdugo na naglalagay sainyo sa panganib.
Higit sa lahat, huwag magpagamit na instrumento ng Philippine Army para suhayan ang gobyernong Benigno Simeon Aquino na isang Pork Barrel King. Nagdudumilat ang katotohanan na ang pinagsisilbihan nito ay ang mga “Boss” na katauhan ng pamilyang Cojuangco-Aquino na bahagi ng malalaking burgesya komprador at panginoong maylupa sa bansa at nagkakanulo ng ating soberanya sa mga dayuhang imperyalistang Estados Unidos.
Pagbayarin ang 9th ID Philippine Army sa mga kaso ng paglabag sa Batas sa Digmaan at paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan sa Kabikolan!!
Patalsikin ang rehimeng US-BSA sa matinding korapsyon sa Pork Barrel System, Pagpapahirap at panunupil sa mamamayan at pagtataksil sa ating soberanya para sa dayuhang interes!!
Isulong ang Digmang Bayan hanggang tagumpay. Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140822_karangalan-sa-kabila-ng-mga-duguang-kamay-ng-9th-infantry-division-sa-pagpatay-at-paglabag-sa-karapatang-pantao-sa-operasyong-musang-ng-oplan-bayanihan-sa-bikol

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.