Thursday, August 21, 2014

CPP/Ang Bayan: Mga aksyong militar sa Negros

Propaganda article from the Tagalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Aug 21): Mga aksyong militar sa Negros

Apat na elemento ng kaaway ang napatay sa tatlong magkakasunod na aksyong militar ng Bagong Hukbong Bayan sa Guihulngan City, Negros Oriental noong Hunyo. Ayon sa Leonardo Panaligan Command (LPC-BHB), dalawang sundalo ng 12th IB ang napatay nang paputukan ng kanilang pwersa ang detatsment ng naturang yunit-militar bandang alas-8 ng gabi noong Hunyo 12. Matagal nang hinihiling ng mamamayan sa Barangay Sandayao na parusahan ang mga sundalo rito. Laganap ang pang-aabuso nila sa mga sibilyan tulad ng pagbabanta, pambubugbog at walang habas na pagpapaputok ng kanilang mga baril na nagdadala ng kaguluhan at perwisyo sa lokalidad.

Ipinatupad naman noong Hunyo 23 ng BHB ang desisyon ng hukumang bayan na ipataw ang parusang kapital laban kay Aljin Mogelio. Napunatayan ng hukuman na si Mogelio ang bumaril at pumatay sa konsehal ng bayan ng Guihulngan na si Cyrus Fat noong Pebrero 13, 2014. Si Mogelio ay isang dating elemento ng CAFGU Active Auxiliary (CAA) at dati ring intelligence asset o espiya ng AFP at pulisya.

Noon namang Hunyo 18, ipinataw din ng BHB ang parusang kapital kay Jose Baquilta. Si Baquilta ang namuno sa pagpaslang sa mag-asawang Escoba sa Sityo Punong, Barangay Trinidad noong 1987. Kabilang din siya sa “Kadre,” isang grupo ng mga panatiko na kasama ng mga tropang militar at CAFGU na sumunog sa mahigit 40 bahay sa Sityo Kalubasa, Barangay Tacpao, Guihulngan noong 1988. Sangkot din si Baquilta sa karumal-dumal na pagmasaker sa isang pamilya sa Barangay Trinidad. Ginahasa muna nila ang mga biktima bago nila pagtatagain at tadtarin ang katawan ng mga ito.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140821/mga-aksyong-militar-sa-negros

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.