Thursday, August 21, 2014

CPP/Ang Bayan: AFP, nagtamo ng 14 kaswalti sa Agusan

Propaganda article from the Tagalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Aug 21): AFP, nagtamo ng 14 kaswalti sa Agusan

Nagtamo ng 14 na kaswalti ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa apat na magkakasunod na aksyong militar na matagumpay na inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Agusan laban sa 26th IB at 29th IB ng Philippine Army noong Agosto 5, 9 at 10.

Ito ay sa gitna ng pinaigting na operasyong militar ng AFP sa mga bayan ng San Luis at Talacogon sa Agusan del Sur at Buenavista, Agusan del Norte. Apat ang napatay at sampu ang nasugatan sa panig ng militar. Walang kaswalti sa panig ng mga Pulang mandirigma sa ilalim ng West Agusan Norte-Agusan Sur Subregional Command ng BHB.

Dalawang beses na hinaras ng mga Pulang mandirigma ang mga tropa ng 26th IB at sinagupa ang mga elemento ng paramilitar na Special CAFGU Active Auxiliary (SCAA) sa Agusan del Sur. Isang sundalo ng 26th IB ang napatay at apat na iba pa ang nasugatan nang harasin sila ng isang yunit ng BHB habang nagpapatrulya sa Km. 18, Barangay Don Alejandrino, San Luis nitong Agosto 10.

Dalawang elemento naman ng naturang batalyon ang napatay at dalawa ang nasugatan nang magreimpors ang 26th IB sa 15 elemento ng SCAA na nakasagupa ng BHB ganap na alas-6:20 ng umaga ng Agosto 5 sa Purok 7, Barangay Zellovia, Talacogon. Pinasabugan sila ng command-detonated explosive (CDX) ng nag-aabang na yunit ng BHB. Bago ito, isang elemento ng SCAA ang napatay at isa ang nasugatan sa naunang labanan. Isang kilometro lamang ang layo ng detatsment ng 26th IB sa lugar na pinangyarihan.

Ang 26th IB ay protektor ng Provident Tree Farm Inc. (PTFI) at ang paramilitar na SCAA ay nagsisilbing gwardya nito. Ang PTFI ay sangkot sa pang-aagaw ng lupa ng mga magsasaka, mapangwasak sa kalikasan at mapagsamantala sa mga manggagawa.

Samantala, isang tropa ng 29th IB ang napatay at dalawang iba pa ang nasugatan nang harasin sila ng mga Pulang mandirigma ng BHB habang nagpapatrulya sa Sityo Afga, Barangay Olave, Buenavista nitong Agosto 9, alas-12 ng tanghali.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140821/afp-nagtamo-ng-14-kaswalti-sa-agusan

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.