Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan (May 21): Balikatan Exercises at EDCA
Umabot sa 3,000 sundalong Amerikano ang dumaong sa Pilipinas upang lumahok sa Balikatan Exercise 2014 noong Mayo 6-16. Ito na ang ika-30 sa taunang Balikatan, at pinakamalaki at kauna-unahang inilunsad matapos pirmahan ng rehimeng Aquino at gubyerno ng US ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) noong Abril 28.
Mahigit 4,500 tropang AFP ang lumahok sa Balikatan. Dumalo rin ang 60 tropa ng Australia at 25 myembro ng Hawaii National Guard (HNG). Nagsilbing sentro ng kumand ng Balikatan ang Camp Aguinaldo sa Quezon City at Western Command sa Puerto Princesa.
Ang mga live fire exercises, maniobrang kombat at iba pang pagsasanay ay isinagawa sa Naval Education & Training Center sa San Antonio, Zambales; sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija; sa Clark Air Base sa Angeles City; sa Crow Valley, Tarlac; at sa Marine Base sa Ternate, Cavite.
Naglunsad din ng pinagsanib na atake ng pwersang katihan at panghimpapawid ang 700 tropang US at AFP sa Palanan, Isabela.
Muling ginamit ng US ang pagkakataon para magpakitang-gilas sa lakas-pandigma nito. Dumaong ang USS Tortuga sa Subic para maghatid ng pwersa at mga kagamitang militar. Ginamit sa mga maniobra ang mga modernong armas tulad ng Osprey; F/A Jet Fighter, CH-53 transport helicopter; Sikorsky at Cobra attack helicopter; Hercules cargo aircraft; at iba pa.
Sa komoplahe ng “operasyong humanitarian,” nagpakat ang militar ng US ng 200 tropang Amerikano sa Guinobatan, Albay at Legazpi City noong Abril 21 hanggang Mayo 17, pati na sa Tacloban City, Cebu City at Bohol. Ipinagmalaki sa masmidya ang ginawang pagkukumpuni ng isang silid-aralan at pagbibigay ng serbisyong medikal at beterinaryo na nagtagal lamang nang ilang araw. Ang hindi na inianunsyo ay ang iba pang aktibidad ng mga tropang Amerikano, kabilang ang pagtuwang sa kontra-gerilyang digma at pagsasaayos ng mga imprastrukturang pangkomunikasyon at paniktik.
Upang palabasin na makakatuwang ng Pilipinas ang US sa paggigiit ng teritoryong pandagat kontra sa paggigiit ng China, naglunsad ng mga maniobrang militar ang mga tropang Amerikano sa mga baybayin ng South China Sea. Ang totoo, walang anumang komitment ang US na pumanig sa Pilipinas sakaling magkaroon ng armadong kumprontasyon sa tunggalian sa South China Sea.
Samantala, inendorso ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista noong Mayo 15 ang tatlong base militar ng AFP na maaaring gamitin ng US na base militar para sa pag-iistasyon ng mga tropa at kagamitan nito. Tinukoy ni Bautista ang naval detachment sa Oyster Bay sa Palawan; naval station sa San Antonio, Zambales; at ang Philippine Army base sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Sa ilalim ng bagong pirmang EDCA, ang US ay bibigyan ng gubyerno ng Pilipinas ng mga “Agreed Location” o mga lugar sa loob ng ilang kampo militar ng AFP upang magamit para sa pag-iimbak ng mga sandata, pagmamantine ng mga sasakyang pandigma, lapagan at lunsaran ng mga eroplano at drone, pagkakarga ng suplay at pahingahan ng mga sundalong Amerikano.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140521/balikatan-exercises-at-edca
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.