Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan (May 21): 67th IB, pinarusahan ng BHB sa Davao Oriental
Naglunsad ng serye ng aksyong militar ang mga Pulang mandirigma ng Comval-Davao East Coast Subregional Command ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) laban sa 67th IB ng Philippine Army.
Dalawang sundalo ang nasugatan sa operasyong isnayp na inilunsad ng mga myembro ng Larangang Gerilya 15 Operations Command ng BHB sa Barangay Binondo, Baganga noong alas-11 ng umaga ng Abril 23.
Pagkalipas ng dalawang oras, apat na tropa ng militar ang napatay nang pasabugan ng command-detonated explosives ng isang yunit ng BHB ang mga ito sa Purok 7 Tanggaan, Barangay Manurigao, New Bataan, Compostela Valley. Noong Mayo 5, isang sundalo ang napatay sa operasyong isnayp na inilunsad ng isang tim ng BHB laban sa isang Peace and Development Team (PDT) sa Barangay Pagsabangan, New Bataan.
Samantala, noong Mayo 11, sinunog ng mga Pulang mandirigma ng Larangang Gerilya 20 Operations Command ng BHB ang isang buldoser ng magtrotrosong meyor ng Cateel na si Camilo Nuñez sa Sityo Yapsay, Taytayan, Cateel, Davao Oriental. Hindi lamang ito bahagi ng kampanyang total log ban na kasalukuyang ipinatutupad sa buong rehiyon ng rebolusyonaryong kilusan kundi pagparusa kay Nuñez sa kanyang kriminal na kapabayaan sa pangmatagalang rehabilitasyon ng mga biktima ng Bagyong Pablo na humagupit noong 2012.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140521/67th-ib-pinarusahan-ng-bhb-sa-davao-oriental
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.