Tuesday, May 13, 2014

Bomba itinanim sa labas ng munisipyo sa Maguindanao

From the Mindanao Examiner BlogSpot site (May 10): Bomba itinanim sa labas ng munisipyo sa Maguindanao





Ang bomba na nabawi ng militar sa labas ng munisipyo. (Mindanao Examiner Photo - Mark Navales)

Isang bomba ang nabawi ng militar matapos itong iwan sa labas ng municipal hall ng Shariff Aguak sa lalawigan ng Maguindanao sa magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sinabi ng militar na natagpuan ang bomba nitong gabi ng Biyernes at hindi pa mabatid kung sino ang nasa likod nito, ngunit nabawi ito matapos ng matinding sagupaan sa kalapit na bayan ng Rajha Buayan na kung saan ay nakasagupa ng mga tropa ang isang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Alarmado naman si Shariff Aguak Mayor Zahara Ampatuan sa pagkakabawi sa bomba dahil tahimik naman umano ang kanyang bayan at kilala rin siya bilang isang peace advocate at supporter ng peace process.

Walang umako sa paglalagay ng bomba at hindi pa mabatid kung paano itong iniwan sa labas ng munisipyo gayun napakaraming sundalo at parak sa lugar.

Idinawit naman ni Col. Gener del Rosario, ang commander ng 1st Mechanized Brigade, ang BIFF sa ibat-ibang atake at pambobomba sa central Mindanao, kabilang na dito ang Maguindanao na isa sa 5 lalawigan sa ARMM.

Ang BIFF ay binuo ni dating Moro Islamic Liberation Front rebel leader, Ustadz Ameril Umra Kato matapos itong kumalas sa MILF ng akusahan nito si rebel chieftain Murad Ebrahim ng pagtalikod sa ipinaglalaban na Muslim independence sa Mindanao.

Lumagda na ang MILF ng peace agreement sa pamahalaan Aquino at inaasikaso na ng magkabilang panig ang pagbuo sa Bangsamoro Basic Law na siyang magiging gabay sa bagong Muslim homeland sa rehiyon.

http://www.mindanaoexaminer.net/2014/05/bomba-itinanim-sa-labas-ng-munisipyo-sa.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.