Jurie Guerrero
Spokesperson
NPA Central Panay Front Operations Command (Jose Percival Estocada Command)

Katulad sa sirang plaka ang liderato ng 3rd Infantry Division, Philippine Army sa pahayag nito sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita na si Maj. Ray Tiongson na humihina na ang rebolusyonaryong kilusan dahil marami umanong mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang sumuko. Mahigit tatlong taon nang paulit-ulit na deklarasyong ito ng militar sa layong maipakita na nagtatagumpay ang Oplan Bayanihan at patuloy na makakuha ng lumalaking pondo ang militar.
Nitong Marso 29, 2014 kasabay ng anibersaryo ng BHB, ihinarap ng militar sa midya ang umano’y dalawang kasapi ng BHB sa ilalim ng Central Front-Panay na mga bagong sumuko. Wala nang maisipan pang mapaniniwalaang propaganda si Maj. Ray Tiongson kundi ang gasgas nang linya sa pagpakilala ng mga “recycled surrenderees” para patunayang humihina na ang rebolusyonaryong armadong kilusan. Ang mahalaga ay makaagaw ng atensyon ng mass media sa araw ng anibersaryo ng BHB.
Kahit ilang beses pang ulit-ulitin ni Maj. Ray Tiongson ang kanyang pahayag, hindi maitatago ang katotohanang patuloy na nabibigo ang Oplan Bayanihan sa layuning nitong mapahina ang rebolusyonaryong kilusan partikular sa Central Panay. Sa kabila ng walang awat na maigting na operasyon sa mahigit nang tatlong taon namantine ng larangang gerilya sa Central Panay ang kanyang laking kumpanyang armadong pwersa at patuloy na nagpupunyaging mapalakas ang inisyatiba at kakayahang maglunsad ng mga aksyong militar habang patuloy na pinapalawak at pinalalakas ang baseng masa nito. Ang apat na sunud-sunod na mga operasyong harasment laban sa mga detatsment ng PA-CAA nitong buwan ng Marso ay patunay na nakabawi ito ng inisyatiba.
Lubos ang tiwala ng mga Pulang kumander at mandirigma sa ilalim ng Jose Percival Estocada Jr. Command sa Central Panay na makapag-ambag ito sa panawagan ng Komite Sentral ng PKP na “paigtingin ang mga opensiba para maangkin ang ibayong inisyatiba sa pagsulong ng digmang bayan” habang patuloy ding pinamumunuan ang pagbangon ng mamamayan na sinalanta ng superbagyong Yolanda.
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mamamayan, magbangon, singilin ang inutil na rehimeng Aquino sa kapabayaan nito sa mga biktima ng superbagyong Yolanda!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140330_liderato-ng-3rd-idpa-maj-ray-tiongson-sirang-plaka

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.